Ito ay tungkol sa batang binyayaan ng kakayahan na maging magaling sa iba’t-ibang larangan.

Achievements of the notorious overachiever:

President- SSG’s Laziest Officers

+ Nakuha niya ang posisyong ito dahil hindi na niya ginampanan ang kanyang tungkulin bilang SSG officer nang mga ilang linggo. Feeling niya kasi na wala naman silang pakialam at di naman nila mapapansin na “Uy nasan si Julius?” dahil malamang na ang mga primary officers ay busing-busi sa pagpapalaganap ng disiplina na hinding-gindi tumatak sa isipan ng mga mapakababait na mga estudyante. -_-

Note: Hindi siya umatend ng eleksyon para sa posisyong ito, naramdaman nilang deserving siya para dito. Absent, multa ng Php 50.

Champion sa pangangaral sa mga kaklase!

+ Kilala siya ng kanyang mga kaklase na matalak, walang interes sa plays pagdating sa mga group presentation, mahilig solohin ang mga gawain, at higit sa lahat ang pagrereklamo sa mga desisyon nilang wala naman siyang pakialam.

Note: Ito siguro ang pagpapadama niya ng kanyang pagmamalasakit sa kanila maingay nga lang at nakakairita.

Master sa pagcontrol ng mga kilos!558988_559046337474174_329597216_n

+ Sa sarili niya lamang ito dahil alam niyang controlin kung kailan tatahimik at mag-iingay. Halimbawa na lang ay kapag kinakausap siya ng kanyang kaklase at nakatingin ang nanlilisik na mata ng teacher, di niya papansinin ang kaklase at magkukunwaring nakikinig sa discussion.

Note: Dahil sa technique na ito hindi siya naeexpose sa kasuklam-suklam na pakiramdam ng kahihiyan.

Henyo sa pagpapalusot par hindi makapagtapon ng basura

+ Isa ito sa pinaka-ayaw niyang gawain pagdating sa paglilinis ng area kaya gumawa siya ng mga paraan para makatakas dito. Halimbawa ay ang paglilinis sa ibang area, pupunta sa taas at magpapanggap na may gagawin, magrereklamo sa kagrupo na kanina pang naglilinis at sila naman, hahayaan ang sunod na grupong magtapon at iba pang bagay. Kadalasan ay iniaayon niya ito sa sitwasyon.

Note: Isa o dalawang beses pa lang yata siyang nagtapon ng basura sa bundok ng Tralala(ito yung matarik na parte ng school namin kung saan tinatapon ang mga dahon). Yehey!

Hari ng recess

+ Recess ang pinakgusto niyang parte ng araw dahil 20 minutes lang ang nakakasurang lunch. Hindi siya umaakyat sa canteen para magrecess dahil ang babait ng kanyang mga kaklase, ibinibili siya. Ito ang matinding dahilan kung bakit bumabara ang taba niya sa esophagus, hindi nasusunog ang taba!

Note: Kalaunan natuto din siyang  pumunta sa canteen sa pangambang maging katulad siya ng mga tao sa Biggest Loser.

Bejeweled Blitz

Bejeweled Blitz (Photo credit: Wikipedia)

Epic sa pagdodownload ng music videos

+ Noong last part ng School Year ay nagging hobby niya yan para maipakita sa kanyang mga kaklase ang mga astig na music videos.

Note: Dahil dito ay pinagalitan na siya ng bonggang-bongga dahil kasing bagal ng pagong ang connection at ang mama niya ay naglalaro ng walang kamatayang Bejeweled Blitz na 100+ na ang level.

Expert sa pagpupuyat

+ Nagpupuyat siya hindi lamang dahil nagpapalaki ng eyebags pati na din dahil naghahanap ng kachat para lamang makapanood ng Banana Nite na laging nakakabitin. Purket bakasyon gagawin na ang lahat ng gusto?

Note: Minsan habang nasa ganitong routine ay sinita sila lang kanilang mga Lola dahil gabing-gabi na kung matulog. Nagkaroon pa ng pahabol kinabukasan.

Commander-in-Chief ng mga taong takot sa tao

+ Siya ang tipo ng tao na parang hindi pa nakakakita ng tao kaya’t kapag hindi niya kakilala ay hindi siya nakikipag-usap. Feeling niya kasi’y awkward at hindi siya makagawa ng topic na magandang pag-usapan. Kaya naman sa text at FB siya nagkakaroon ng pagkakataong makipa-usap sa tao. Para modern CAVEMAN.

Note: Kaya naman di niya kayang makipag-usap ng maayos kay Idol Dwight De Leon at Ate Shaira Faye Cabrera kung saka-sakali.

Master Daydreamer

+ Mahilig siyang magdaydream lalo na kapag nakahiga na siya sa kama. Lagi niyang inisip kung ano ang future ng pinakamamahal niyang PGNHS. Paano sila mananalo ulit sa DSPC, active na editorial staff, manalo sa iba’t-ibang contest, at marami pang kakaibang ideya para sa kanyang minamahal na paaralan.

Note: Gabing-gabi na siyang magdaydream. LOL

10 responses »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s