April 2013

Ang blog na ito ay opinion ng awtor na si Julius I. Abante, estudyante sa Puerto Galera National High School sa bayan siyempre ng Puerto Galera, obvious naman eh. Ang awtor ay medyo nag-aasume na siya ay isang Editorial Writer matapos magkamit ng *secret* sa (hindi ko alam) noong Division Schools Press Conference 2012 ng Oriental Mindoro. Nagpakaproud siya at nagsisi dahil hindi siya nakasali sa Regional Schools Press Conference sa Tagaytay City (ibig sabihin di siya pasok sa top 3). Nagdasal siya ng mabuti na sabay-sabay nasiraan ng tiyan ang mga Editorial Writers para makasama sila ni Bb. Beatrize Celestine Sur Abanilla dito pero walang nangyari.

PUERTO GALERA. One of the Most Beautiful Bays in the World!

PUERTO GALERA. One of the Most Beautiful Bays in the World!

Siya ang katulong sa paggagawa ng “Ang Balik Tinig”, ang opisyal na publikasyon ng PGNHS na mga ilang linggo din bago natapos. Ang ibig sabihin nun ilang araw din siya out sa klase at pasarap sa buhay kasama ang iba pang section editors. Bukod pa dito may night shift pa siya sa bahay na umaabot ng alas dose ng gabi. Isang di maipaliwanag na pangyayari ang pagiging Associate Editor ng awtor dahil hindi naman siya ganoon kagaling magsulat at higit sa lahat siya ay isang 2nd year student lamang noong mga panahong iyon. Hindi parin siya makaget-over na mas mataas ang kanyang posisyon kesa sa Class Valedictorian ng 4th year. (Yahoo!)

Dahil na din sa napakagandang experience sa larangan ng Campus Journalism at wala siyang magawa sa bahay ay napagdisiyunan niyang gumawa ng isang blog/diary habang natutulog ang kanyang kapatid sa sofa. Ang nasabing kapatid ay dadalo sa National Schools Press Conference sa Ormoc City kinabukasan kaya siguro nagbabawi ng tulog.

Ang blog ay tinawag na “Ewan Ko!” dahil wala siyang maisip na magandang pangalan tulad ng ibang blog na may pinanghugutan pa. Ang blog ay naglalaman ng kanyang opinyon sa mundo at kung ano man ang gusto niyang isulat. Babala ang awtor ay paminsan-minsang nagmamagaling dahil sa daloy ng emosyon kaya unawain niyo na lamang siya. Salamat po!

June 2015

Ang awtor pa rin ng blog na ito ay si Julius I. Abante. Siya pa rin sa kasamaang palad. Halos isang taon siyang naging tamad sa pag-uupdate ng blog na ‘to. PRAMIS. Na minsan pa ay nababanggit niya na may blog siya kaso outdated. Nakakasura lang. Anyway, tamad siya yun ang punto. Mabagal magtype. Kain nang kain. Matinding maglip-sync pag may earphones. Dancer pag mag-isa. Ultimate singer sa banyo. Tagahabol sa lecheng mga kambing na kumakain sa tanim ng lolo at lola nya. At wala e, tamad talaga. Sorry pooo.

Journalism (at katamadan) ang nagtulak sa kanya upang gumawa ng blog dito. Pero sa huli ay hindi yun ang kursong kukunin nya sa kolehiyo. Wala e, di keri. Hindi pa rin nya talaga alam kung ano ang gusto nyang kunin to be honest. Litung-lito. Medyo ayaw nyang maging doctor dahil ayaw nya sa dugo. Medyo ayaw nya ring mag abogado dahil hindi sya magaling magsaulo (tsaka di rin keri). Pero putang ina! Pumasa ang kumag sa UPCAT! Akalain nyo yun?! Hindi nya daw inexpect (ang showbiz ng sagot). Yez, ininterview namin sya. Putang ina talaga!!! UPD! Hihi! Wala daw po syang naintindihan dun sa part ng Science mga kaibigan.

Tambay sya sa kasalukuyan sa kanilang bahay. Nanood ng Korean drama o kaya Anime. Lumalamon ng hangin. Ngumanganga. You can text him daw at 091******** or you can facebook him daw. Napaparami siguro ang panonood nya ng Kris and Bimby Summer TV. Ahohoho!

Mahilig daw sya sa pagkain. Kung manlilibre ka daw e you can be best friends. Taray di ba parang may pet ka lang na baboy nagsasalita nga lang. He’s recently into Korean culture, music, and dramas. Mas tumindi lang ang panonood nya ng Anime dahil walang tao sa bahay tuwing umaga. May twitter po sya, @Juliuuuussss. Pagtiisan nyo na po ang pagsusulat nya, kulang sa hasa. Maraming salamat po sa pagbabasa!

37 responses »

  1. Hi Julius! I enjoyed reading your about page. Sa tingin ko rin mag-eenjoy ako sa mga thoughts mo kaya I followed. Btw, thanks for dropping by my blog.
    Have a great day!

    • Ha! I think isang taon pa ang dumaan bago naging lubusang public ang blog ko. Mas pinili ko ring maging private noon. Pero hindi mahirap makipagsocialize sa mga fellow bloggers kung gugustuhin mo. Dagdag motivation rin ang mga kaibigan sa blogging community. Basta sulat lang ng sulat. Kitakits! 😉

  2. Hello, Julius! Thanks for dropping by. 🙂

    Ang ganda ganda nga ng Puerto Galera, sayang lang at taga-siyudad ako. Super active ka dito ah, keep it up, marami pang maisusulat na hindi lang basta ‘ewan ko’. God bless

  3. Nakakaaliw ang About page mo, Julius. Good job! 😀

    Natawa ako dito sa parteng ito: “Nagdasal siya ng mabuti na sabay-sabay nasiraan ng tiyan ang mga Editorial Writers…pero walang nangyari.” Hehe!

  4. Ah, nakakatutuwang makatagpo ng isang batang involved din sa campus journalism. Ako ma’y naging bahagi rin nito hanggang sa NSSPC at masasabi kong naging napakagandang bahagi ito ng buhay ko, so much so that it led me to take up journalism in college. Keep on writing, iho. Never lose the fire. Never lose faith in the power of words to inspire, influence, entertain, and to change lives.

    Good luck. Keep blogging!

    • Natouch po ako sa words of inspiration niyo! I really enjoy campus journalism 😀 Kakaiba po ang feeling! Pinipilit ko pong magsulat, masaya po at na-aastigan po ako sa mga taong pinupursue ang journalism bilang profession 🙂 Tanda ko pa po dati nang may magtanong sa aming speaker kung sino ang mga gustong maging journalist at iilan po ang nag-taas ng kamay. I find it brave for them to have the courage to even raise their hands. May parte po sa akin na gustong subukan ang landas na iyon at meron din pong takot na namuuo sa loob ko. Hindi ko pa rin po talagang nasasalok kung alin ang mas matimbang sa dalawa. Patuloy ko pong hahanapin 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s