Parol: gumawa ako, bumili ka!

Standard

Yung totoo?

parol 3

Last week, nainis ako dahil may balita si ma’am. Gagawa daw kami ng parol. Biglaan. Kulay pula daw at madami pang specification. Habang yung iba kong kaklase ay tuwang-tuwa at masigasig na nakikinig sa kanyang explanation, ako naman ay nakayuko at halatang nayayamot. Ang totoo’y nagmumura ako sa loob. Tumakbo ang maraming tanong sa isip ko. Saan ako kukuha ng kawayan? San ako magpapagawa ng buntot? Wala na naman akong pera ngayon. Bumili na lang kaya ako ng gawa na?

Naiinis talaga ako kapag gawaan na ng parol. Last year kasi, pinagawa kami sa school. Bayanihan kami ng mga kaklase ko. At noong huli’y deformed ang parol ko. Ang saya! Pero atleast nakagawa ako.

At ngayon, ito. The same situation. Gagawa na naman ng parol. Nakapagproduce ako. Ayos. Hindi deformed. Medyo ayos. Maganda kapag malayo pero kapag lumapit na, no comment. Medyo masaya naman ako sa result. Agad kong inabot sa adviser namin. Todo sabit naman agad sa harap ng room. Ang sarap sa pakiramdam.

Pero binabalot ng kasinungalingan ang mga parol na yun. Ang mga nakasabit na parol. Early that morning, una na naman akong dumating mga 6:00. May dumating akong kaklase, dala niya yung parol niya at wala pang buntot. Siya rin yung kaklase kong nagtext kagabi ng “Ipaggawa niyo naman ako ng buntot, loloadan ko. Please!” At mukahang walang tumugon sa text niya. Hindi pa rin kumpleto ang parol niya. Sabi niya bibili na lang daw siya sa labas. Baka daw ipinagbibili. I agreed kesa naman kulang ang parol niya. Lumabas at bumalik din agad. May dalang parol. Bumili!

Again I agreed kahit mali. Wag na lang daw sabihin. Ano pa nga ba.  Dumating na ang mga tao. Napansin yung parol niya. Maganda daw. Banat na banat. Malamang, binili e! Ang sabi naman niya tumulong daw ang nanay at tatay niya sa paggagawa. Napapamura na lang ako. Unfair!

Ano pa nga bang maggagawa ko. Naipasa na. Sumang-ayon ako. Bigti na!

Kaya kayo, kapag pinagagawa ay gumawa kayo ng sarili niyo.

P.S. Nakapagproduce ako ng parol. Ako ang gumawa? Ewan. Nagpagawa ako? Secret. Bwahahahahahaha!

Advertisements

My own paradise

Standard

Kaninang umaga pumunta ako sa bayan. Mataas ang sikat ng araw. Ginaganahan ako ngayon hindi ko alam kung bakit. Naglakad na ako dahil walang dumadaang tricycle. Mainit pero oks lang. Dahan dahan ang aking paglalakad. Ewan ko ba. Nahihiwagaan ako sa paligid. Napatingin ako sa tabing dagat. Nakakapanibago. Wala ni isang alon. Napakapayapa, ang gandang tingnan.

May ingay na unti-unting lumalapit. Napalingon ako. Tricycle. Sa tabi ng driver ako umupo. Umandar. Malakas ang hangin dahil sa bilis ng takbo nito. Malapit na, malapit na ang lugar na yun. Ang tanawin na lagi kong inaabangan dahil sa angkin nitong kagandahan. Ang kalsada ay nasa itaas ng bundok kaya’t kitang kita ang kabuuan ng lugar na yun. Iba-iba ang nakikita ko tuwing nadadaan ko ito. Minsan, bakas dito ang sama ng panahon dahil sa pagsisiksikan ng mga roro, yate, maliliit na bangca, at iba pang sasakyang lumulutan upang makaiwas sa malalaking alon. Nagiging instant safe haven ang mga asul niyang tubig. Karaniwan namang payapa ang kanyang mga tubig.  Napaliliran ng mga bundok at dahil doon ay hindi ka makakakita ng alon sa mismong dalampasigan nito. Napakalinaw ng tubig dito. Sa sobrang linaw ay natatanaw ko minsan ang kabuuan ng corals dito na malapit sa dalampasigan. Vibrant colors of green and blue blend beautifully every single time.

1238847_467750129999900_352817505_n

Mabilis ang takbo ng tricycle pero unti-unting bumagal ang tanawing ito sa aking paningin. Tumatatak isa-isa ang imaheng nakita ko. Parang naging camera ang mga mata ko. Sa bawat kisap ay iba’t ibang angulo ang napipinta sakin. Nabubuo ang isang mabilis na slideshow sa isipan ko. This place never gets old for me. I never get tired of its wholesomeness.  Nakakatanggal ng problem ang 15 segundong iyon. Ang 15 segundong tuwing umaga ay nagpapatanggal ng mga problema. Ang oras na yun ang 15 segundong nagpapalaya sakin sa reyalidad na walang akong inaalala. Kahit maikli lang ang oras na yun ay ipinagpapasalamat ko parin yun. Nature is really wonderful.

I ended up smiling the whole trip. That view always makes my day.

encenada-beach-resort

Hustisya! Kailangan ko ng HUSTISYA!

Standard

Guys, kuyas, ates at kung sino mang naabot ng mensaheng ito, kailangan ko ng inyong tulong! Nakidnap, tinangay, sinilid sa sako at dila sa napakalaloy lugar kung saan hindi ko makikita ang pinakamamahal at iniingatan kong NOTEBOOK! Waaaaaaaaaah!

Huli ko siyang nakita nung Lunes ng hapon sa ilalim ng upuan ko. Lahat kasi ng mga ginagamit kong gamit ay ang tambayan ay ang maalikabok na ilalim ng upuan ko dahil sa katamaran kong ipagsasaksak sila sa bag ko. Tuwing matatapos ang isang klase ay ganun ang gawain ko at sa hapon ko na lang inilalagay sa bag. Tanda-tanda kong iniligay ko ang greeng notebook na yun sa bag ko! Tandang-tanda ko talagal! Pero kinagabihan habang naghahalungkat ng bag at nagtatanggal ng basura ay hindi ko siya nakita dun. Hinanap ko, as in todo hanap talaga. Nang napagod ako ay nanalig na lang akong naiwan ko talaga siya classroom.

Maaga akong dumaring sa room, 5:50. Ako pa lang ang tao at madilim pa. Naghanap ako sa upuan, cabinets, lalagyanan ng gamit namin, at sa table ni Ma’am. Pero wala! Wala! Noong dumami ang tao ay nagtanung-tanong ako. “Hiniram mo yung notebook kong green? Yung may mga kwento?” Walang umamin, walang nakapansin! ” Ilabas niyo na naman ang notebook ko! P-u-t-a-l-i-t-t-l-e-m-o-r-e na yan! Mamatay na ang kumuha nun!” Inis na inis na ako dahil hindi ko siya makita. Huhuhuhuhuhu! 😥

Bakit ba mahalaga yun? Bakit ha, bakit? Kasi nga yun ang notebook na pinagsusulatan ko. May ilang feature na akong na naisulat dun na humanap pa akong ng ‘pinanghugutan‘ tapos mawawala lang! Bukod dun nandoon din ang draft ko ng iba pang sinulat ko noong summer. Ang mga sama ng loob, kabaliwan at ang karugtong ng estorya ni Tina, ang babae sa tapat! Nakakapang hinayang ang pagpiga ko sa utak ko para lang maging letra ang mga thoughts ko pati na rin ang mga day dreaming scenarios.

Ang totally wasted na notebook na yun ang naging karamay ko sa tuwing tinatamaan ako ng topak at kinakati ang mga kamay ko na gustong-gustong magsulat. Isa yun sa mga dahilan kong bakit ako nagsimulang magblog. Dahil nawili ako sa pagsusulat dahil niya and I craved for more! Nakakamis ang laspag niyang look dahil sa dami na niyang pinagdaan. Kasama ko siya sa school based training para sa Journalism, sa Division School Press Conference noong nakaraang taon pati na sa mga panahong walang kuryente at gusto kong magsulat. May ilang “Masterplan” din akong isinulat sa kanya na para sana sa School Paper namin kaso nawala naman siya. Ninakaw, namissplace, nawala!

Kabilang sa mga produkto niya ang ” Si Tina sa tapat“, “Kaibigan (Ang sarap mong chop-chopin at itapon sa bangin!)“, “Experience is the Best Teacher“, at “Triumphs of a staffer“.

Kaya nananawagan ko ako sa mga may mabubuting loob na makakakita sa kanya, maring icomment niyo na lang po ang kinaroroonan niya! Maraming salamat po! Sa mabuting magbabalik saki ay ipagpapray ko po kayo! At kung sino mang nagnakaw nun huwag na huwag kang aamin dahil MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN! 

Hindi laging panalo!

Standard

Wohhhh! (sabay pawi ng pawis sa noo). Natatae akong parang ewan noong natapos. Noong natapos na ang ilang linggo kong pinaghandan. Naiiyak ako. Naiiyak ako naghalo ang emosyon. Parang rainbow, parang tae. Sumasabog ang at baho ng pagkatalong bumabalot sa kinauupuan ko. Nakaka-disappoint.

Nagbasa pa ako at nagrefresh ng mga nireview namin. Sasabak sila kami sa Division Pantas-Agham. That’s right folks, science contest. Patimpalak ng Dibisyon ng Silangang Mindoro para sa agham. Noong August 10. Sa mga panahon ng pagrereview namin ay lagi akong nagbibirong matatalo kami. At leche, nagkatotoo naman ang mga pahaging ko. Unti-unting bumaon sa utak ko na wala ng pag-asa noong sinabi na noong teacher na nagtie-break samin ang “And the correct answer is D“. Sa mga sandaling yun ay parang dinudurog ang puso ko habang nakaupo sa upuang para sa kaliwete sa dulo ng bagong room na yun. Nagslow-mo ang pagtingin ko sa mga kapwa ko contestant. Tama sila, mali ako. Naeliminate ako, sila hindi. Pasok sila.

1151001_607428272635674_1296453930_n

Division Pantas-Agham 2013

Yung mga hindi na kasali, lumipat na sa likod“. Napilitan akong tumayo at tumingin na lang sa mga kalaban ko mula sa malayo. Nakakapanghinayang.

Natapos ang laban. Ang torture. Nakapasok ang kaklase ko sa top 10. At ako’y hindi magkamayaw sa pagbati sa kanya. Para kahit papano’y maitago ang lungkot, ang inggit. Nakipagkwentuhan ako pagkadating sa quaters namin. “Pang-ilan ka?” Yan ang laging pangbungad ko sa ibang contestants. Naghahanap ng karamay.

The moment of truth came, the awarding ceremony began. Kahit na alam ko pang wala na akong dapat asahan ay matindi pa rin akong nakinig sa mga announcements. “Grade 8, 3rd place, Joshua Abante!” Nanalo ang kapatid ko na nagbunga ng mga nakakainis na comparison. “3rd year, Julius Abante, hindi ka kasali! Bwahahahahahaha!” Ganyan ang parating sakin noong unti-unti ng umakyat ang mga nanalo sa 3rd year. Nakakapang liit. Para akong sinisilaban.

Pero, wala naman akong magagawa dahil hindi inabot. Bitin ang effort. Ibaon sa utak na laging may next time. Wag mang hinayang dahil sakin na kasalalay ang results.

Ang kapatid ko! Panalo! Wooooooh!

Ang kapatid ko! Panalo! Wooooooh!

Si Tina sa tapat

Standard

Si Tina. Kapitbahay. Kakilala. Suplada. Lagi ko siyang nakikitang dumadaan sa tapat naming tuwing hapon. Pormal lagi ang suot niya. Parang executive ang dating, yung tipong mataas ang katungkulan sa tingin pa lang. Magaling siyang magdala ng damit at mag-ayos ng sarili.

Minsan ko lang siya nakausap. Kinamusta ko. Ayos lang daw siya. Hindi na yun naulit. May pagkasuplada at sa ko ay lagi siyang busy sa mga ginagawa niya. Wala akong alam sa personal na buhay niya. Trabaho, pamilya, kaibigan, wala. Wala sa database ko babae sa tapat. Wala siyang nagiging bisita dahil kung meron man ay mabilis ko itong makikita. Ang alam ko ay mag-isa lang siya sa bahay. Maganda si Tina. Maputi at mahaba ang buhok. Pero paarang wala itong nobyo. Lagi kasi itong seryoso at hindi palasalita.

Isang maulap na hapon nang nakita ko siyang umiiyak. Diretso ang tinggin at mabilis ang lakad niya. Tumutulo ang luha niya habang naglalakad. Pagpasok niya, isinara niya ang pinto nangg malakas. Pagkatapos-tapos nun bigalang bumuhos ang malakas na ulan. Parang nakikisimpatya sa problema niya. Ano kayang nangyari dun? Baka sa trabaho? O kaya sa pag-ibig? Ewan ko, hindi alam.

Pagkatapos ng ulan at luha event niya ay malimit ko na siyang nakitang lumabas. Ilang araw din siyang hindi pumasok sa trabaho. Seryoso ata yung problem niya. Nakakahiya naming magtanong, baka mapagkamalan pa akong tsismoso kaya hindi na ko lumapit. Kalaunan, pumasok ulit siya sa trabaho niya. Ganoon pa rin. Suplada.

Isang hapon habang nakahiga ako at nagmumuni-muni ay biglang may nagsigawan. Uminagy sa labas. Dumami ang tao. Dali-dali kong sinilip ang pinagkakaguluha nila. Hindi ko gaanong makita dahil sa kapal ng meron. May dalawang babae at lalaki sa gitna. Sumusigaw yung isang babae, umiiyak naman yung isa. Nagsilbing taga-awat ang lalaki dun sa babaeng galit na galit na sumisigaw. Lumilipad ang mga mura at masasakit na salita.

Ang landi-landi mo! Pati ‘tong asawa ko pinatulan mo! Hayop ka!”, sumisigaw at dinuduro yung isa.

Tama na!”, awat ng lalaki.

Anong tama na?! Kinakampihan mo ‘itong babaeng ito?!”, akmang susugudin ang umiiyak na babae ngunit napigilan ng lalaki.

Sumabatan at murahan ang naganap sa maliit na kalsada noon. Parang sine, ang daming nanonood. Pinagfiestahan ang drama at palabas na iyon. Sold out. Naawa ako dun sa babaeng umiiyak. Hindi ko siya makilala dahil nasasanggahan ng buhok niya ang mukha niya. Bigla itong hinila nung isa at tumambad sakin ang mukha niya. Si Tina! Oo, si Tina nga!!!

P.S. Hindi ko ito totoong nangyari. Wala lang talaga akong magawa. Bwahahahahaha! Salamt sa pagbabasa!

First Periodical Test (How it was it for me?)

Standard

(Ang babasahin niyo pong ito ay ang nagsilbing pangpalipas oras ko sa kasagsagan ng aming FIRST PERIODICAL TESTS, Day 1, August 1, 2013. Sinulat ko ang mga ito sa scratch na papel.)

DSC03811

Ito yung scratch na sinulatan ko.

DSC03812

A closer look. Ang pangit ng sulat ko. Bwahahahaha.

May naka-obob. Dalawa sila. Siguro madali o kaya  nama’y mahirap ang exam. Tahimik. Nakakapanibago. Nagalit kanina si ma’am. Huwag na raw kaming maglinis bukas, sa isang buwan, kahit kalian. Hay, buhay nga naman. Ang simple na nung gagawin, hindi pa magawa. Parang mga retarded. O baka naman talagang hindi mapigilan ang mga mababahong bibig na yan tuwing umaga kaya hindi nakakapaglinis! Awan, magulo.

Maaga akong dumating kanina. 2nd to arrive. Balak kong magreview dahil unfortunately nawalan ng kuryente sa aming mumunting barangay kagabi. Madilim kaya nawala ako sa mood na magreview. Nagkaroon naman pero sa dami ng hindi ko naintindihan sa TLE ay dun naubos ang oras ko. Isang chapter lang ang nabasa ko ang the rest is history. Nakapagbasa pa ako ng slight kanina. Tumatak naman ng bahagya.

E di yun nga, tahimik, galit si ma’am at natapos agad ako sa unang test. Ang balak ko kasi ay ako na lang ang maglilinis nung ikinagalit ni ma’am, yung kalat dun sa may lalagayanan ng mga walis. Kaso may naunang tumayo. Tama si ma’am, nakita na namin pinabayaan pa namin. Nakita ko yun pagdating ko. Sabog ang basura. Kahit kakaunti yun, sabog pa rin yun. Ang tanga-tanga e. Umandar ang kairresponsibilihan sa utako ko. Sabi e, “di naman ako cleaner ng room ngayon”. Pero mali pa rin yun. Maling-mali.

Dumami ang naka-obob. Tapos na? Puyat? Malay ko. Mahirap nang umimik sa ganitong panahon.

8:00 A.M

Round 2. Exempted ako.

8:18 A.M.

Naglinis ako. Tahimik na pagwawalis at pagdadakot. Dalawa kami. Kasama ko yung babae kong kaklaseng exempted din. Nagwalis ako sa corridor, hagdan at malapit sa CR. Tuloy pa rin siya sa paglilinis, nasa unahan ko ngayon, nagpupunas, Masyado ‘tong masipag. Nagwalis, nag-ipon ng tubig, nagdilig, nagpagpag ng basahan, tapos ngayon naman ay nagpupunas.

Alam ko naming sarcasm at galit lang si ma’am kanin. Kaya nga naglinis kami. Kahit papaano’y nabawasan ang dumi.

______________

Anim ang tulog. Ano bang ginagawa ng mga taong ito sa gabi? Ang alam ko’y natigil at humupa na ang e-book fiesta ng mga babae. Wala naman kaming assignment kagabi kundi ang magreview. Halos lahat naman ng teachers na may test ngayon ay nagreview. At yung isang test ay naitest na naming dati/ Yung totoo lang talaga. Nakikipag-puyatan sa girlfriend o boyfriend? Hayahay!

8:49 A.M.

17 ang tulog.

8:55 A.M.

Okay. Everyone wake up. Review your work for five minutes”,sabi ni ma’am.

11:05 A.M.

Tapos na ako sa Math. Hindi ko akalaing nakakaTANGA kapag walang aral. Boom! Nakakapagsisi ang hindi pagrereview.

11:43 A.M.

TAPOS NA! SA WAKAS! UWIAN NA!

I’m back! (saglit lang ako!)

Standard

Madaming nangyari simula noong huli kong mabisita ang blog kong ito, ang iga at tuyo kong blog. Linggo na ata ang binibilang e. Hindi ko na alam ang mga happenings. Wala na rin gaanong bumibisita rito dahil wala namang bago. Magkwekwento na lang ako. Ang dami kong gustong ikwento.

Kahapon, July 12, nag-administer ako, ahhhh nagpaboto na lang sa madali’t sabi para sa annual club officer elections. Kabilang ako sa mga namalat sa kakabanggit ng mga boto dun sa kaklase kong nagtatally ng results. Ang bilis ko daw magbasa. Gusto na kasi agad matapos dahil wala kaming klase pagkatapos. Hindi ko alam kung asang lupalop ang Chemistry teacher namin. Ang sabi lang ay wala daw siya. Ayos naman ang daloy, magaan kahit na yung mga Grade 8 ay kung anu-anong sinasabi habang nagsusulat. Maingay pero hindi gaano. May mga papansin pero ayos lang. Mabuti na lang at hindi kami natoka sa last section. Kaya nga pala ako nagpaboto hindi dahil Supreme Student Government (SSG) officer ako kundi hindi ako tumakbo. Hindi ako nangampanya, nangbola, nangako, nagbiling iboto at ang mga karaniwang ginagawa ng mga candidates. Nagpakabusy na lang ako sa pagcriticize sa kanila at pagbabasa ng mga libro.

Umaga yun nangyari kaya’t pandalas ang mga SSG officers sa paglalabas ng results. By lunch break may result na. Usually kinakabahan ako dati kapag ganito, ngayon hindi na. Hindi ako kasali e, hindi ako napepressure na manalo o matalo. I didn’t even bothered to look at the results. Wala lang. Nakakatamad. Sa nalaman ko, di naman ako kasali.

———-

Naging active na rin ako sa pagbabasa at pagpapahiram ng libro. Ako (in a way) ang nagsimula ng rebulusyon ng mga libro sa room. Pahiram dito, pahiram doon. Nagrerevolve ang mga libro ko sa mga kaklase ko. Ang dami-dami nang humahawak sa kanila. Parang lalong lumalala ang kondisyon nila. Pero ayos lang yun nabasa ko na naman ang mga iyon. Hindi ko parin nabibili ang mga librong inerekomenda nina Master Steno at Kuya Adrian noong sa “Usapang libro“.Kahapon nga lang ay may nawawala daw na libro at akin yun. Mag-iisang linggo na yun sa kaklase tapos biglang nawala. Hindi ako nakaramdam ng galit kasi nga nabasa ko na yun ang akin lang ay gusto ring mabasa yun ng iba kong kaklase para makapagkwentuhan kami. Kaso, nawawala nga. Hahanapin pa daw.

Nadagdagan ang libro ko nung July 7. Hindi na kay Sir Ong ha. Kay Ramon Bautista na at Eros Atalia. Bili ko yun dahil wala na akong mabasa. At tsaka regalo ko na sa sarili ko. Hindi niyo (bloggers)  alam na birthday ko nung isang araw. Bwahahahaha. Ipagkalat ba naman? Yung kasi ang main goal ko nung pumunta ako sa siyuda nun, ang makabili ng bagong libro. Naubos na naman ang pera ko!

———-

Eh di bale birthday ko nga noong isang araw, hindi ko sasabihing noong July 10. May bumati naman kahit papaano. Ang mga kaklase ko (syempre), ilang teachers, at ilang mga nakaalala. Ayos din naman. May nagbigay ng cake (dalawa), presto, oreo at panyo. Wagas  bumati yung iba kong kaklase maya’t maya. Hindi nga pala ako nasurprise dun sa cake. Nakita ko kasing dala noong isa kong kaklase yung isang cake papasok tapos yung isa naman ay nakita kong isinususok ng bestfriend ko sa locker. Wa epek ang mga paepek. Nyahahahahaha!

Dati kasi ang hinihingi kong regalo sa bestfriend ko ay libro. Tapos biglang cake? Nagrereklamo siya, hindi ko tanda ung bakit. Siguro dahil di ako nasurprise. Sinabi niya kung magkano yung cake and blah,blah, blah. “Kung ibinili mo gang libro yung 400 pesos o kaya ipinangload mo sakin eh di matutuwa pa ako! Gusto ko ng libro!“, yan ang sinabi ko. Mahilig kaming magpikunan. Sa huli ay kinain din at nag pasalamat din ako.

———-

Hay ang dami nang nangyari at mas madmi pang mangyayari. Ito na lang muna at gagawa pa ako ng madaming gawain. Kamust na kayo? Kwento kay dali!

Comments? Puna? Violent Reactions? Go lang!

Ang hirap maging estudyante

Standard

Nagbukas ang mga pintuan ng mga paaralan. Laging rush ang mga tao lalo na ang mga estudyante. At sa kasamaan palad ay isa ako sa kanila. Naging busy ako, sobra. Hindi ko inaasahan na sobrang daming gawain “pers day” pa lang. Pero wala naman ako magagawa. Kaya sumunod na lang ako sa daloy ng buhay.

Pero hindi lumuwag ang mga gawain. Ang mga assignments nasundan ng mga report, presentation, quiz at ang walang kamatayang responsibilidad. Eh estudyante eh. Kasama na yun sa package. Dahil din dun ay madami akong hindi nagagawa na gustong gusto kong gawin. Isa na dun ang mag-update ng “kaEwanan” sa blog ko. Siguro ay lalo nang natigang at nabored ang mga mambabasa.

Noong isang weekend sana ay pipilitin kong makapost kaso biglang nagbigay ng project si Mam Chemistry. First week of classes may project na!? Masaklap pero totoo. Nasusura ako. May mga teacher pang kung magpagawa ng assignment ay isang oras na sultan, no. 1 pa lang yun. Kinakaya kahit nakakapagod.

Nami-miss ko ng basahin ang mga blog ng mga inaabangan kong bloggers. Sina Ate Zezil, Kuya June, Master Steno, at sobrang dami pang iba. Ang hirap pa lang magsulat kapag maraming iniintidi. Nakakawindang.

Pero masaya rin naman nasa paaralan, kasama mo ang mga kaibigan at mga kaklase mong mga baliw. Laging may tawanan, murahan, hingian, hiraman, asaran. Lalo na para sa kanila dahil muling pinayagan ang mga yagit na estudyante na magdala ng kanilang Brand New, 2nd, 3rd, 4th at laspag na mga cellphone. Sabi daw eh privilege ito ng mga estudyante. Kaya naman maya’t maya ang hawak ke Nokia, Samsung, Cherry Mobile at “no name” para mag GM (group message). Hay buhay.

Kailan kaya ulit ako makakapost? Sana malapit na. Salamat po sa mg nagtitiyagang basahin ang blog kong ito. Mabuhay ka!

Ang mga larawan kong ito ay kinuha ko lang sa Facebook at wala pong klase sa mga oras na ito. Walang magwiwild.

296106_274393916039145_1142127315_n

Ang mga walang magawa sa buhay.

1006656_562132547158519_952908662_o

Ang mga naggagawa report. Wag mang husga, nirush yan.

997722_562132327158541_496783492_o

Ang mga pasikat.

1004261_562132877158486_289980636_o

Ang masipag (daw?).

997950_562132420491865_664046345_o

At hindi mawawala ang tulog, stressed, may sakit, at tinatamad lang.

 

Kaibigan (Ang sarap mong chop-chopin at itapon sa bangin!)

Standard

Nakakapagod din. Araw-araw tayong ganito. Nandyan kayo, nandito ako. Tumingin ako, wala kayong pakialam. Nagsalita ako, wala kayong narinig. Mahina siguro ang pagkakasabi ko kaya inulit ko pero wala parin. Baka may ginagawa kayo. Kaya’t naghintay ako. Umintindi. Lumipas ang mga oras pero wala parin.

Ipinagpabukas ko na ang mga gusto kong sabihin. Hindi naman ito gaanong kaimportante. Kinabukasan, nandyan ulit kayo. Nangumusta naman ako, tumingin lang kayo. Nagtanong ako kung madami kayong gagawin, pero walang umibo. Inisip ko na lang na meron nga kaya wala akong nagawa kundi maghintay. Nagsasalita ako paminsan-minsan, nakatingin kayo sa kawalan.

Mga ilang araw ding ganito. Tiniis ko dahil kaibigan ko kayo. Walang kaso sakin ang maghintay. Bigla na lang dumating ang araw na ayaw niyo na akong makita. Tinanggap ko yun dahil baka may problema lang kayo. Ayos lang naman. Mabait naman ako.

Matagal-tagal na. Wala parin akong balita sa inyo. Naisipan ko nang tumigil pero baka matindi ang problema niyo, kaya nagtiyaga ako. Baka kailangan niyo ng kausap.

Isang malagim na araw, ipinagtabuyan niyo ako. MASAKIT! Sobrang SAKIT! Hindi ko maintindihan. May nagawa ba akong mali??? Ni, “Uy, nandyan ka pala” wala akong narinig. Parang tood lang akong walang kwenta sa paghihintay kong yun. Kahit “salamat” wala kayong sinabi. Tapos ganito lang? Walang paliwanag? Masakit dahil nagmukha akong TANGA. Wala man lang pumansin o nangumusta sakin. Ako lagi ang gumagawa ng paraan para maka-usap kayo.

Tapos sasabihin niyo kung bakit ko ginawa yun, eh alam ko naman pala na walang kwenta yung ginagawa ko? Gusto niyong malaman kung bakit? Dahil nga kaibigan ko kayo! Mahirap bang intindihin yun?

Nagmukha akong tanga sa pag-intindi at paghihitay. Nakakakapagod din pala. Masakit.

.

.

.

.

.

Ah, teka sino bang kausap ko? Wala na naman akong mga kaibigan.

(P.S. Hindi po ito totoo. Pero may pinanghugutan ako. Wag niyo na pong alamin ang details. Hahahaha. Ginawa ko ito isang gabing walang kuryente, patay sindi.)

(P.P.S. Pasensya na po sa pagkakasulat. Pagtiyagaan na lang po 😀 )

Ngayon ko lang narealize (Buhay Maynila)

Standard

Kagagaling lang namin sa Manila. Magulo. Maingay. Mainit. Ang bilis ng mga pangyayari para sa isang probinsyanong minsan lang mapadpad sa Capital. Kapag mabagal ka, mabilis kang maiiwanan. Relax lang kasi ang buhay dito katulad sa iba pang probinsya hindi gaanong nagmamadali ang lahat. Kahit madalang lang dumaan ang mga sasakyan dito ayos lang. Hindi katulad sa siyudad na parang lahat ng sasakyan ay gusto kang ihit-and-run. Tsaka ang mga busina. “Gumagana Manong!“. Tama na ang ingay kaya.

Dati gustong-gusto kong tumira sa Manila. Kapag kasi iniisip ko yun mga mall ang pumapasok. Ang mga malalaking building na malamig, madaming tindahan, maingay, masaya. Ito ang kinaginsnan ko dahil yun lang naman ang pinupuntahan naming dati. Gusto ko nga dating puntahan lahat ng SM sa buong bansa. Parang achievement na rin yun. Pero dati yun. Ngayon ko lang narealize na ayaw ko na. Sabi ko nga kapag nakatapos akong mag-aral babalik agad ako sa probinsya. Makikisiksik pa ako sa mga nagsisiksikan.

Isa pa ay madali akong mawawala. Takot akong magtanong. Complicated ang mga lansangan. Nakakalito, mukha kasi pareparehas ang mga building. Lahat mukhang matatanda at pwedeng bumigay kahit anong oras. Mausok pati. Sobra.

Maraming krimen. Makakatakot tuloy. Pwede akong manakawan ng mga malilikot na kamay kung tatanga-tanga ako. Kaya nga naisip ko, bakit ko pa kailangang bumuli ng mamahaling cellphone yung tipong S4 at Iphone 5 kung tatanga-tanga naman ako. Sayang ang pera tapos ibabandera ko pa sa mga PUV di lalo nang nanakaw. Maglalaro lang naman ako ng Candy Crush at magpapahiwatig na, “Daig kayo, bigtime ako!” Di bale na lang bibili na lang ako ng black and white na nokia. Parehas lang naman silang nakakapagtext at nakakatawag.

Pero naisip ko na mga magagaling ang taong Maynila. Umaangkop sila at street smart. Parang alam na nila ang kalakalan sa magulong mundo ng siyudad. Sanay sila? Inborn? Natutunan? Nagevolve? Ewan ko. Sila ang mga taong bumubo sa power grind ng Pilipinas ang mg matatag na pundasyon. Saludo po ako sa inyo mga Dre!

(P.S. Walang kwenta yung post. May maisulat lang.)