Category Archives: Opinyon

Spaghetti

Standard

Umuulan. Malakas. Mukhang hindi agad titila. Sinasabayan ng langit ang sakit na dinadala niya sa kanyang dibdib. Dinadamayan ng patak ng ulan ang kawawang estudyanteng basang-basa. Walang nagtatangkang lumapit sa bata. Para siyang hanging nilalampas-lampasan ng iba pang mga estudyante.

Dumating siya sa bahay. “O bakit ganyan ang itsura mo?” ang tanging nasabi ng kanyang ina. “Hindi ko sila maintindihan, bakit ganun sila?” ang sagot niyang punong-puno ng lungkot.

“Alam na nga nilang nagkaganun, parang wala lang sa kanila,” ang paghihimutok nito sa ina habang pinupunasan ang tae ng aso na kumapit sa kanyang polo at tinatanggal ang hibla ng spaghetting dala niya bago siya mahulog sa kanal.

DSC02224

Typical.

Magnanakaw

Standard

Tahimik siyang nakaharap sa screen ng laptop. Nakapasak ang headset sa tenga. Nakapokus siya dito. Matinding consentrasyon. Wari’y may malalim na inisip.

Maya-maya pa’y mayroon kakaibang ingay na bumasag sa katahimik. Hindi niya namalayan ito dahil sa mahiwagang headset na natindi ang kapit sa kanyang mga tenga na nagsisilbing proteksyon niya sa mga hindi kaaya-ayang ingay na maaring gumambala sa kanya.

Unti-unting lumapit ang ingay sa kinaroonan niya. Daglian. Mabilis. Walang iniintay. Wala pa rin siya’y kamalay-malay. Maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang gumagawa ng ingay. Kakaibang nilalang. Makakatakot.

Paglapit nito’y agad nitong ginawa ang pakay. Kinuha ang inaasam. Ang dapat kuhanin sa taong hindi natitinag ang titig sa screen. Walang pakialam.

Dahil na rin sa tagal ng nilalang sa harap niya’t harap-harap siyang ninanakawan, hindi na niya naiwasang pansinin ito.

Tanging napakalakas na sigaw ang naiganti niya. Hindi magkaintindihan. Nakakabingi. Kasabay ng isang napakalakas na hampas.

“Putang ina naman oh!!! Sabing isara ang pinto kung lalabas!!! Ang dami sabing lamok!!! Ayan, offline na!!! Wala na!!! Minsan na nga lang yun mag-online!!!”

Masked-Person-With-Gun

Bang!

Mga tanong ko? (politics)

Standard

Senate-race-20132

Hindi pa ako pwedeng bumoto, unfortunately. At dahil dun wala akong karapatang magreklamo. Pero ang dami ko talagang katanungan sa larangan ng pulitika. Nahihiwagaan parin ako sa kalakaran ng kakaibang mundong ito na nagpapatakbo ng lahat sa paligid ngayon.

Gusto ko sanang simulan sa tanong na “bakit may pulitika?” kaso ayaw ko. Masyadong obvious at mahirap nang magtanong kay manong wikipedia dahil kakaunti lang naman ang alam ko sa pulitika at ang mga pasikot-sikot. Sisimula ko na lang sa mga napapansin ko ngayon, sa mga balita.

Death threats. Ay hindi lang pala death threats patayan na. Ano ganun ba kahalagang manalo? Kailangang magpatayan? Parang kakambal na yan ng pagkandidato eh. Nakakabahala rin naman dahil maya’t-maya na lang ay may tinambangan, binaril, binato ng granada, nagtakutan sa tweeter, bunully at kung anu-ano pang klase ng pagbabanta. Ano kinareer lang ang pagtumba ng kalaban? O sige sabihin nating kapag may napatay ay may papalit sa pwesto noong namatay eh ibig sabihin ubusan ng lahi? Magcounter na lang kaya kayo para masaya? Nakakabagabag kaya!

Labasan ng baho. Bakit kung kailan malapit na ang eleksyon ay tsaka naman labas ng kung anu-anong papeles na nagsasabing nangurakot si ganito, hindi ideneklara ni ganyan ito sa SALN, epal si ganito, bad breath si ganyan. Ano, ngayon lang nalaman yan ganyan kung kailan malapit na itong si eleksyon? Hindi mo ba alam na mas nakikilala yang mga naiissue dahil kaliwa’t-kanan ang free advertisement sa mga news network? Aba gusto mong matalo? Sige tuloy mo lang yan. Kung maglalabas ka nang baho yun matindi hindi yung mga undeclared properties dahil madali lang yang gawan ng palusot.

Dynasty. Na kailan lang naging maugong dahil sa mga paandar ng mga kadidato para siraan yung iba. Bakit kailangang maging family affair ang pulitika? Para madaming sakop? Madaming power? Di ba “One is enough, two is too much” at dinagdagan pa ng Lola ko ng “Three is poison!“. Baka malason kayo niya! Dagdagan mo pa ng “Family Feud“. Sila-sila rin ang naglalaban laban at nagsisiraan. Di ba dapat happy family? I have nothing against political dynasty as long as ayos naman ang pamamalakad nila. Ano bang magagawa natin kong sila naman ang karapat-dapat diba?

Campaign budget. Ang daming pakulo at kung anu-anong advertisements. Bakit hindi magkaroon ng limitasyon ng campaign budget ang COMELEC? Hindi ba sila nanghihinayang sa pera? Kahit pa sabihing donation at galing sa sariling pera yan ay nakakapanghinayang ding gumastos ng gumastos tapos biglang talo? Ang daming factories para sa candy, pamaypay, ballpen, cap, at kung anu-ano pa. Magdonate na lang kaya kayo? Tsaka na maglibot sa Pinas kapag retired na.  Suggest lang naman yan. Peace!

Bakit ba ako nakikialam sa mga matatanda? Bakit ang dami kong tanong? Bakit? Dahi,dahil,dahil…………….. gusto kong makialam. Gusto kong masagot ang mga tanong ko. Educate me! Gusto kong matuto!

Hindi naman ako nagrereklamo, nagtatanong lang.

Geo Marine Science Camp 2013 (The Best!)

Standard

Ilang araw din akong nawala sa aming bahay. Nagpunta sa lugar na di na rin iba sa akin, ang Barangay San Isidro o White Beach para sa mga turista. Ang daming beses ko nang nakapunta rito lalo na tuwing summer. Naliligo sa dagat, kumakain, nag-aabang ng artista. Pero ngayon pumunta ako dun dahil sa mas malalim na dahilan, para matuto. Umatend ako ng Science Camp. Hindi lang basta Science Camp kundi Geo-Marine Science Camp. Mga ates at kuyas ng DOST-SEI, UP-MSI at UP-NIGS ang maypakana.

535675_4681724489723_1070209125_n

Expectations nung una kong narinig? Boring, puro lecture, presentations, at wala akong magiging kaibigan. Honestly yan talaga ang first impression ng isang tulad ko na sobrang bilis mabagot tulad ni kuya Bagotilyo. Wala magawa eh masyadong tamad kaya yun ang first impression, pasensya. Pero nakaramdam ako ng kakaibang excite (Oh ha!) nung alam kong pinili ako kami. Kaya nga nagresearch ako kahit papaano, warm-up kung baga.

Pag karating namin binigyan kami ng bag. At wag ka customized pa, pasadya yata tapos nakalagay ang pangalan at school sa likod! Ang daming gamit sa loob nandun na rin ang programs at lahat ng mga kailangan. Una pa lang pasabog na! Sa accomodations naman, Perfect 10! Hindi masyadong masikip yung tipong tama lang para sa 8 tao. Masarap ang pagkain at may music pa habang kumakain. Astig ang organizers!

Marine Camp

Lectures? Sobrang saya! Hindi lang plain “Blah,blah,blah,blah,blah” ang mga speakers dahil ginagawa nilang interesting dahil ng mga laro. Katulad noong “You are what you eat” na may participation ng lahat. Naassign akong zooplankton at sa kasamaan palad nakain daw ako ng isda kaya *swooosh* tanggal na agad ako. Patayin ba naman agad? Ganito ang daloy nun, binigyan ng papel ang mga tao tapos ipoportray nila yun halimbawa ay dinoflagelates, tahong, human, etc. Dun sa mga hindi nakakagets ay amin na lang yun. Basta ipinapakita dun ang effects ng red tide. Imagine niyo na lang. Masyadong mahaba kung ikukwento ko.

Perstym kong makagamit ng GPS sa Marine Camp. Isinalang kasi agad ako ni Kuya Patrick sa hot seat eh. Pressured ako dahil baka magmukha akong *ubo* tanga. Bukod pa dun ay wala akong pangbayad sa GPS kapag nasira ko. It was a learning experience naman. Sila naman ay humawak kay baby Infinity na kasindakdak ay Php 1.2 m na ang mga hapon ang maintenance officers kapag nasira. Nakita rin namin ang sikat na si Plankton ng Spongebob Squarepants na isa palang “copepad” ayon kina Kuya JK.

Tinuruan naman kami nina Mam Alette and friends (pasensya na po at ako’y nalilito  sa mga pangalan) ng basic ng snorkeling na isa sa major contributor kung bakit nadagdagan ang layer ng maitim kong balat. Wala eh, masaya eh kaya tiis muna sa kulay. Wa epek yung sunblock ni kuya Gelo.

Yung sunod na araw ang araw na natusta na ako nang todo. Maghapon ba namang nasa dagat ay ewan ko na lang. Perstym kong lumangoy ng malalim sa coral exposure namin. Inam ang lalim eh yung tipong sobra talagang lalim. May mga nagpahila na lang nang nagpahila sa facilitators tulad namin. Ang sarap kayang tumingin sa ilalim ng dagat lalo’t matalino, mababait, magaganda’t gwapo ang mga facilitators mong kasama, try mo!

Nakakahawa ang saya ng mga facilitators. Halatang ang tagal na ng kanilang pinagsamahan. Parang ang dali nilang mapasaya pero pag nagsalita na, ay wag ka alam na alam na matatalino. Madali pang lapitan at kalog. Yan ang maganda sa mga facilitators!

941652_622519071111424_1765094648_n

With UP-MSI

Geo Camp

Ang 2nd part ay ang Geo Camp na punong-puno ng games. Ang daming icebreakers. Gusto ko rito yung pag eemploy ng badge system. Mas magiging competitive ang mga participants at madami pang chances para mag-earn nito dahil nga sa dami ng activities. Ibig sabihin kailangan mong nakinig lagi at magparticipate kong ayaw mong mapag-iwanan ng iba. Thumbs up Geologists!

Geology? Unang pumasok sa average kong utak ay bato. Igneous, sedimentary, at metamorphic rocks. Buong akala ko bestfriends na kaming apat, yun pala mga adress lang nila ang alam ko. Probinsya at lugar nang kapanganakan. Akala ko matagal na naming pinag-aralan ang mga bestfriends ko sa earth science namin yun pala wala pa sa kakaunti. Bakit ko nasabi? Ay dun pa lang sa presentation ni Ate Tatum ay lugaw na ako eh. Sobrang daming kailangang alamin. Noong mga panahong naglelecture siya ay batong-bato na ako dahil sa mga bato. Sinabi ko na lang sa sarili kong, “HOY, sumulat ka! Nakakahiya ka kapag nakatulog ka ngayon, malapit ka pa naman sa unahan.” Pero it paid off naman kahit papaano. Nakascore ako ng 14 sa exercise at madami akong natutunan. Wag niyong pansinin yung score dahil mag-isa lang akong nagsasagot na paminsan-minsan ay tumitingin sa katabi *evil laugh*. Karamihan sa kanila ay groupings all the way (napansin ko lang ha).

Madami din akong natutunan sa identification of minerals kahit litong-lito talaga ako nung simula. “Ano daw?” (habang nakakunot ang noo), ang nasabi habang nagpapaliwanag si Kuya Dale o Jeremy ata yun (magkamukha sila para sakin). Pero nanalo naman kami sa nakakastress na flow chart na yun kahit papaano.

Sa field activities naman ay nagustuhan ko yung sand appreciation dahil nahawakan ko ang Spain at unfortunately nakita lang ang Hawaii. Buhangin yung tinutukoy ko ha. Thanks Ate Tatum! Nga pala ewan ko pero na-aastigan at nababaitan ako kay Ate Tatum. Bukod kasi sa paglilibre niya sa amin ng halo-halo (napasubo yata siya dahil medyo mahal) ay gusto ko yung dedication niya sa pagtuturo samin. Ang hahaba pa mandin ng mga natotoka sa kanya.

921080_3002807247252_240614292_o

Field Activities with UP-NIGS

May secret love team din pala. Ang galing niyo hindi ko nahalata yun ah. Ate Pammie at Kuya Justine ha. Hahahahahahaha. Sa Facebook ko lang nalaman. Bakit di kayo sweet? Hindi ba ako ganun ka galing mag-observe o pinili niyo wag maging showy? Hindi naman nakakagulat dahil bagay sila! Naks!

oOo

UP-MSI binago niyo ang tingin ko sa harapan ng bahay namin. Nagkaroon ako nang mas malalim na kaalam at pang-unawa sa mga childhood adventures ko sa mga batong lumilitaw kapag low tide sa tabing dagat namin. Gusto ko itong pangalagaan dahil madaming dumadagsang basura sa aming lugar. Patuloy na umuunti ang mga nangingisda sa amin. Lalo kong naapreciate ang Puerto Galera. Maraming salamat po. (Tinatamad akong isa-isahin ang mga facilitators.)

UP-NIGS, someday makakapunta din ako sa inyo at hopefully maging parte 🙂 Maraming salamat po sa pagbabahagi niyo ng oras niyo sa aming mga aspiring scientists. More power kina Ate Pammie at Kuya Justine! LOL!935610_554603454591695_792184493_n

Gusto ko sanang ikwento lahat pero tinatawag na ako ni KATAM eh baka hindi pa matapos ngayon. Ang tagal ko talagang magsulat! Ok heto na, sa kabila ng mga napanis na pagkain, late na attendance, di mabilang na pagligo sa pool, mga moments na batong-bato, sobrang pagod, dance central sessions, at napakaraming picture taking sobrang nag-enjoy ako kaming lahat sa Geo-Marine Science Camp! Sulit po ang mga efforts niyo dahil madami sigurong kukuha ng mga science related courses at kasama na ako dun! Continue to inspire others!

Experience is the Best Teacher

Standard

Magaling pa sina Pamela dati, pagod na pagod sila lagi

This is what my mother said one day. She was pertaining to me and my co-SSG officers. Pamela was an alumna of our school who happens to be the SSG President back in her days.

I ignored it and went on with my usual agenda during that time, which was pretending to be part of the student leaders of our school. I am not saying our administration was lousy but we are being compared to more successful ones. I guess our Ates and Kuyas were better than their successor despite the fact that we are doing our best.

I’m not that excited about this organization compared to my School Paper family because I feel that pressure is building in my chest. We were elected and we should be the “role models”. I think everyone is observing our every move with a look fit for a blood thirsty vampire. The pressure with an unpredictable crowd makes the job really difficult for me. Because of this my slight excitement totally died down.

My part was moving here and there in lines of students to stand and stare at them during flag ceremonies and flag retreats. That was what I’m doing all this time and sometimes shouting “wag kayong maingay!”. Pathetic isn’t it? It is a little awkward and every once in a while someone will call you names and mock you and stuff. I would do everything to not be in those same moments again. I’m sick of it and I never enjoyed it.

I am afraid of the big responsibility that I will have after the induction. Besides SSG meetings are often squeezed into our 20 minute lunch break, it’s a huge struggle for me. I don’t want lose weight you know. Hahahahahaha. I am not that confident with my capabilities. I am afraid that people may judge me because of my slightest flaw. I guess that’s why I got hooked to writing. No pressure and it accepted me for who I am.

That’s why I backed out on last year’s election for this year’s position. I felt free and happy. I never loved it anyway. Many would ask me why I did that and I would answer “wala lang”. They wouldn’t understand it anyway. Screw those Leadership Awards, it doesn’t matter if others will have more medals than me in the end at least I’m happy with my decision. I don’t want to have mental pressure.

It’s a scary world out there and I easily get scared. I think I’m not prepared for journey into the unknown. I’m weak and I know that. I’m not fit for big leadership jobs. I want to have change but I want to be involved in a way that I don’t have to be under pressure again. More of an adviser, project thinker thing and all that stuff.

I’ m defying what they were used to, that a SSG officer will be a SSG officer until the end. Once you’re a part of it there’s no turning back. That’s what I have notice in my co-officers. Some were officers since their freshman years. I want something new for a change.

ralphwaldoemerson101322

(Ang sama ng tittle pasensiya na, wala akong maisip.)

Pilipinas ko, Pilipinas nating lahat

Standard

Gusto kong makita ang Pilipinas sa hinaharap. Hindi bukas ha yung bago ako ako sunduin ni kamatayan ay iisipin ko ang pagbabagong nangyari simula sulatin ko ang post na to hanggang dun sa kamatayan portion. Natuloy ba ang pag-alis ni Kris sa showbiz, natalo ba ng OPM ang K-Pop, nakuhaba ban g Pilipinas ang Sabah, naubos na ba ang Political Dynasty na sabi ay panahon pa ng mga Espanyol nagsimula, yung mga ganun.

Today, inspite of our rich history and crazy experience under Foreign Countries I see the Philippines as a blank canvas that our youth should paint with prosperity and (insert a secret ingredient here) with a little collaboration of talent to create a masterpiece.

Isantabi muna natin ang mga Sci-Fi movies na nagtatak sa atin ng buong konsepto ng hinaharap. Na malang sa hindi ay magkakatotoo dahil gagawa’t gagawa ng paraan ng mga tao para magkatotoo ang fantasy natin sa kasalukuyan. Alam mo na siguro ang ibig sabihin ko, yun ang mga naghohover na mga kotse, mga walang kamatayang gadgets na laging nasa mga pelikula, at lahat ng bagay na magpapa-astig sa mga movies kahit di possible na maisipan ng mga writers.

future-city

Ganyang-ganyan ano?

Dahil ang mga gusto kong makitang pagbabago ay tungkol sa global status ng bansa. Gusto ko naman for the record ay maubusan na ng mga nagkukunwaring pulitiko. Ang mga taong nabansagan lang na may katungkulan sa pamahalaan wala naman nagagawa. I have nothing against politicians but after many issues and speculations related to politics isn’t it difficult to offer your trust again?

Magtuluy-tuloy ang pagiging big tourism destination ng bansa. Turista=Pera. Totoo naman di ba? Kapag may matangkad at maputing tao na hindi man lamang kahawig ng katabi mo, galling ibang bansa yan. Sila yung pagdumadaan kanya-kanyang alok ng mga paninda ang mga tindera’t tindero. “Sir/Mam massage?”, “Souvenier?”, “Cold drinks Sir/Mam?”. Yan ang kalimitan kong napapansin kapag may mga Kano. Nagbabakasyon sila para magpakasarap at tayo naman ang nakikinabang. Pumunta sila dito dahil hindi maganda sa kanila eh.

Boom! Ang damin tao!

Boom! Ang daming tao!

Maging 0 ang crime rate ng bansa. I don’t know if that is even possible pero I’ll take a chance on it. Araw-araw na lang nababawasan ang lahi ng Pilipino dahil sa mga pagpatay, massacre, mamamaril, homicide, pananambang, gun for hire, lahat basta na iiugnay sa pagbawi ng buhay. Nanawa na ako sa ganyang mga balita sa TV. Ang gusto ko ay katulad ng “Pilipinas maunlad na!” sa mga news centers at newspapers.

Wala ng mga rebelde. Sana matuldukan na ang mga engkwetro ng mga militar at rebelde. Kaligtasan din ng mga kapwa natin mga Pilipino ang nalalagay sa panganib pati na rin kanila mismo. Ang hindi ko lang maintidihan kong ano ang pinaglalaban ng mga taong ito? Pilipino rin naman sila at kaya naman silang patawarin ng gobyerno para na lang sana kaligtasan ng mga kababayan natin. Think about it.

Mas lumakas ang pwersang miltar ng bansa. Gusto kong mangyari ito hindi dahil gusto kong makigulo tayo sa ibang bansa kundi kung saka-sakali lang na atakehin tayo ay mapoproktehan ng military ang mga sibilya. Katulad ngayon nagbabanta ang North Korea ng Nuclear ewan laban sa mga Kano. Eh paano kung napagtripan nilang atakehin tayo dahil minsan na tayong nasakop ng mga Amerikano ano tayo iintayin na lang natin na mamatay ang buong lahi natin dahil lagi na lang tayong sinasaklolohan ng ibang bansa?

Kaliwa kanan, kaliwa

Kaliwa kanan, kaliwa

Dramatically decrease poverty. Sa tingin ng akong murang isipan ang kahirapan ay kabilang sa mga problema ng bansa. Sa kabila ng mga paraisong ipinakikita ng DOT sa kanilang mga advertisements, ibang parte ng bansa ang kalimitan kong nakikita sa mga documentaries. Patok sa akin ang mga ganun na nagpapakita ng pakikipaglaban ng tipikal na Pilipino para makapaglagay ng pagkain sa mesa. Sapamamagitan nun naiintidihan ko kung gaano kahirap ang buhay sa bansa. Pag wala kang maayos na edukasyon eh mahirap makipagsabayan sa daloy ng modernisasyon.

Slums

Slums

Mapreserve ang ating mga likas na yaman. Nakakapanghiyang ang Tubbataha Reef dahil sa pagsadsad US minesweeper. Napamura talaga ako nun. Sa lahat pa ng sasadsad ay mga superior pang Amerikano. Paano na lang yung iba sila nga’y nagkamali paano pa sila. Tapos kanina Chinese vessel naman. P***** I**! Ano ba naman yan? Sayang ang ganda ng Pilipinas kung ibang bansa lang din naman ang sisira. Sana wala nang mangyaring ganito kahit kailan.

Ewan ko dito!

Ewan ko dito!

Wala ng basura na pakalat-kalat. Bukod na sa mabaho ay hindi magandang tingnan ang mga basura. Pitch perfect nasa ang mga sabi nga nilang Malaparaisong Dalampasigan kung wala lang basura. Katulad na lang dito sa beach front dito, laging naglilinis ang barangay pero maya’t maya naman ang dagsa ng basura na basta na lang naanod. Siguro ang dumi ng lugar na pinanggalingan nila. Aba hindi lang sa beach front halos lahat ng lugar. Nanawa na akong maglinis (kapal)! Bukod sa nakakasulasok na baho ay libu-libo namang mga sakit nakukuha sa kanila kapag masyado ang exposure. Kaya ayaw ko ng exposure eh. Hahahaha

Baha

At higit sa lahat ay Makbayan, Matapat, May Pakialam, May dedikasyon at May Disiplinang mga Pilipino. Sabi nga ang pinakamahalagang yaman ng isang bansa ay ang yamang tao. Tayo ang humuhubog at nangangalaga ng lahat ng nasa kapaligiran natin. Kung ano tayo ngayon ay tayo rin ang may kagagawan. At tayo rin ang makakapagpa-unlad ng lupang ating kinalakihan. Kailangang marunong tayong umangkop sa mga pagbabago lalo na kung ito ay makabubuti sa bansa. Kahit ano pa ang naghihintay sa atin sa hinaharap siguradong magiging matatag tayo. We are a strong nation. Mabuhay ang lahing NoyPi!

Everything will be Ok. Smile!

Everything will be Ok. Smile!

Triumphs of a staffer

Standard

6545_539961929382309_1180718043_n

I recently read an article in a newsette which was from 1962. I loved it! It presented the heartaches of a staffer, the disappointing treatment that school paper makers get. Criticisms and complaints, the author said. Being part of the editorial board back in the days was rough because as he said you can’t gain anything from it.

He said to think twice about being a staffer. Well, I had thought of it a million times.  And accordingly, I enjoyed and benefited from it. It never interfered with my studies or my class attendance. Unlike what he said, in those days it felt like you have to manage on your own. That must have been hard just by imagining it.

Luckily nowadays, the heavenly excuse note explains it all to the teachers. Just like that (snap) you’re on your way to touching thousands of lives through the written sentence, at least inside the campus. But catching up to lessons is what you have to worry. Just like that (snap) the new lessons are lightning fast. During those times that you’re making a masterpiece they suddenly had taken up a chapter or two. All that you can say is, “Hano daw?”. And again, back then these were both problems of our journalists. Well I have to think twice I guess.

It may be just another co-curricular activity that takes a ton of time of effort to accomplish but it is what I enjoy the most. Those late nights, countless articles, tiring revisions and stressful screw-ups makes the experience priceless.

I would always say, “Sana DSPC na…”. I really like the excitement and thrill of making a school paper. It is the best feeling, the happiness and the thought that we made a worthy competition for the schools out there is awesome. It just keeps my adrenaline pumping!

It may be just seeing your name in a piece of paper but it’s greater than that. Being in the editorial staff of a school paper is a huge honor. It means the advisers trust you to write and express whatever is hidden in your brain in a piece of legacy that has been there for a long time. You labor notably tastes sweeter when it gains acknowledgement and recognition.

All in all, what do I get? I get friendships, excitement, responsibility, honor, experience, confidence and many more. I would never doubt being a staffer ever again.

(P.S. Naubusan na ako ng English at sa tingin ko ay hindi pa ito medyo maganda kaya pasensya na lang.)

I <3 PH

Standard

Ang Pilipinas, ang pinakamamahal kong bansa. Ibibigay ko sa kanya ang aking mga kakayahan at talino para kahit papaano ay matamo niya ang kaunlaran. Masyado naman akong assuming kapag ganito. Hindi naman basta-basta magiging mayaman ang ating bansa kung ako lang ang gagawa nito. Pero totoo, sinabi ko dati sa sarili ko na wala akong balak pumunta sa ibang bansa para magtrabaho, masaya na ako sa maliit ngunit punung-puno ng potensiyal na bansang ito. Di hamak na mas magaling naman kami sa English kesa sa mga kapitbahay naming hapon, pero ayun naliligo sila sa pera habang kami nagaabang ng milagro. Hay, kailan kaya ito mangyayari? Sana malapit na…

Ayoko naman pumasok sa madugong larangan ng politika, gusto ko lang talagang mabayadan na ng pamahalaan ang mga utang ng bansa na sa tingin ko ay 500% interest na sa tagal ng payment processes. Alam kong mahirap kumita ng pera pero sana naman ay magkaroon ng magagandang trabaho sa bansa para wala ng mga taong pumunta sa ibang bansa. Naisip ko dati na bakit kaya hindi bayadan ng pamahalaan lahat ng utang natin ng isang bayadan tapos magsimula tayo sa wala? Pero parang imposible. Bakit nga ba tayo ganito, yung utang dati utang parin ngayon. Sheesh! Hindi ako nagmamagaling dahil alam kong napakahirap mamuno sa ating bansa pero gusto ko talagang magkaroon ng pagbabago. Yung tipong hindi na kailangang magpatayan para sa pagkain, wala ng mga pulubi, lahat may maayos na trabaho at lahat ng tao ay pantay-pantay.

Minsan may nakita akong matandang babae sa may sidewalk may hawak na parang baso at nanghihingi ng pera. Tinitigan ko siya habang nakasimangot at naisip ko na bakit niya kailangang gawin ang ganoon? Nasan ang pamilya niya? Dapat nasa bahay siya at nagpapahinga sa halip na nagtitiis sa mainit at maduming lugar na yun. Tinitingnan ko kung mayroong magbibigay sa kanya o tutulong man lang. Sa tuwing may dadaan she would held her hand and ask for spare change. Pero wala, parang siya invisible dahil no one even bothered to look at her. Everyone just walked pass her. Dapat walang taong nakakaranas ng ganoon. Ang daming pumapasok sa isipan ko noong mga panahong yun, iniisip ko na pag naging mayaman ako tutulungan ko lahat ng mga taong nangangailangan. It inspired me.

Marami ngang *um* sabihin na nating peklat ang Pilipinas pero sa kabila nito maraming bagay parin ang maganda dito.  Our tourism industry is booming! Isa ito sa mga paraan kung bakit nakakabawi tayo kahit papaano dahil sa mga turista. Dito sa amin lagi kang may makikitang turista. Swimming dito, swimming doon tapos kain dito, kain doon pati punta dito, punta doon at sa wakas alis na din. Party-party ang daming money! At dahil nga sa malakas na hatak ng turismo kaliwa’t kanan naman ang pagpapagawa ng mga resort. Isa pa yan eh, magpapagawa  ibig sabihin magpuputol ng puno pagkatapos kapag nalugi  nganga! Sayang eh!

English: Glossodoris atromarginata at The Drop...

English: Glossodoris atromarginata at The Drop Off divesite, Verde Island, Puerto Galera, The Philippines. (Photo credit: Wikipedia)

 

The Sabang Beach itself

The Sabang Beach itself. Thriving with life yet filthy.

Halimbawa ay ang diving capital of Puerto Galera, ang Baranggay Sabang (I think). Maganda daw ang mga diving spots dun, hitik sa foreigners pati na squatters pero ang dumi! Biruin mo, lahat ng dumi ng mga resort at restaurants dun ay sa dagat ang bagsak, literally. Di ko lang alam kung may nagbago matapos ang controversial Failon Ngayon episode tungkol sa Puerto Galera. The potential of that baranggay is in fact very big because of world class diving spots. Nakapanood na din ako ng video ng diving dun, ang ganda! Pero sana magkaroon ng maayos na sistema. It really defies the slogan “Malaparaisong Dalampasigan” sa halip ay Madumi at Mabahong Dalampasigan.

Isa pa sa tingin ko ay problema ng bansang ito ay ang patuloy na tumataas na bilang ng mga squatters. Bakit may mga taong kailangan makisquat sa lupa ng may lupa? Bakit may mga taong pumupunta sa siyudad ng walang tiyak na matutuluyan? Kahirapan siguro ang sagot diyan. Bunga sila ng kasumpa-sumpang salitang yan na siguro ay hindi na natin matatakasan. Totoong mahirap mawalan ng kahirapan sa isang third world country pero sana naman mabawasan ito kahit papaano. Sinabi ngayon sa mga balita na sumisigla na daw ang ating ekonomiya pero bakit hindi ko nafefeel? Wala na siguro akong interes sa pagsasaliksik sa estado n gating bansa pagdating sa kaunlaran. Magugulat lang ako sa laki ng ating utang gayundin sa bilang ng mahihirap na mga pamilya. Sinabi minsan sa amin ng AP teacher naming na noong panahon pa ni Marcos ay naging pinakamayaman ang Pilipinas sa Timog Silangang Asya. O ngayon anyare? Nasaan na yun? Bakit nawala?

Mahal ko nga ang Pilipinas at hindi ibig sabihin nito ay mahal ko ang mga buwaya, CROCS ba ga. Ang isa sa mga mabigat na dahilan ng patuloy na paghirap ng lupain ni Juan. Lokohan lang ang nangyayari eh. Wala akong patunay pero sa dinami-daming balita sa TV tungkol dito sa tingin niyo’y patuloy pa kaming papa-uto!? Baka gusto niyong magkaroon ulit ng People Power? Pero hindi naman lahat.

Sa lahat ng sinabi ko, gusto ko lang ng pagababago kahit papaano. Gusto kong mas tumaas ang tingin sa mga Pilipino.  Mabuhay tayong lahat! Bow.