Wohhhh! (sabay pawi ng pawis sa noo). Natatae akong parang ewan noong natapos. Noong natapos na ang ilang linggo kong pinaghandan. Naiiyak ako. Naiiyak ako naghalo ang emosyon. Parang rainbow, parang tae. Sumasabog ang at baho ng pagkatalong bumabalot sa kinauupuan ko. Nakaka-disappoint.
Nagbasa pa ako at nagrefresh ng mga nireview namin. Sasabak sila kami sa Division Pantas-Agham. That’s right folks, science contest. Patimpalak ng Dibisyon ng Silangang Mindoro para sa agham. Noong August 10. Sa mga panahon ng pagrereview namin ay lagi akong nagbibirong matatalo kami. At leche, nagkatotoo naman ang mga pahaging ko. Unti-unting bumaon sa utak ko na wala ng pag-asa noong sinabi na noong teacher na nagtie-break samin ang “And the correct answer is D“. Sa mga sandaling yun ay parang dinudurog ang puso ko habang nakaupo sa upuang para sa kaliwete sa dulo ng bagong room na yun. Nagslow-mo ang pagtingin ko sa mga kapwa ko contestant. Tama sila, mali ako. Naeliminate ako, sila hindi. Pasok sila.
“Yung mga hindi na kasali, lumipat na sa likod“. Napilitan akong tumayo at tumingin na lang sa mga kalaban ko mula sa malayo. Nakakapanghinayang.
Natapos ang laban. Ang torture. Nakapasok ang kaklase ko sa top 10. At ako’y hindi magkamayaw sa pagbati sa kanya. Para kahit papano’y maitago ang lungkot, ang inggit. Nakipagkwentuhan ako pagkadating sa quaters namin. “Pang-ilan ka?” Yan ang laging pangbungad ko sa ibang contestants. Naghahanap ng karamay.
The moment of truth came, the awarding ceremony began. Kahit na alam ko pang wala na akong dapat asahan ay matindi pa rin akong nakinig sa mga announcements. “Grade 8, 3rd place, Joshua Abante!” Nanalo ang kapatid ko na nagbunga ng mga nakakainis na comparison. “3rd year, Julius Abante, hindi ka kasali! Bwahahahahahaha!” Ganyan ang parating sakin noong unti-unti ng umakyat ang mga nanalo sa 3rd year. Nakakapang liit. Para akong sinisilaban.
Pero, wala naman akong magagawa dahil hindi inabot. Bitin ang effort. Ibaon sa utak na laging may next time. Wag mang hinayang dahil sakin na kasalalay ang results.