Category Archives: Ewan

Existing but never being seen

Standard

I am always really frustrated. I want to do more, be better, but I always end up caving in to nerves. I am taking a communication class now. It’s fun and all but I cannot express myself properly. My hands fidget, I stutter, I spit bullshit to cover up my lack in confidence. I fell like humor is my handy cover up when answering any question thrown at me. I am always lacking. I am never satisfied with my performance in the class. How do you even communicate effectively?

There are instances that I just want to float away from my seat. I wanna be a free soul cruising the halls of the building to find answers to the questions that I never seem to form when I want to ask them. I wanna be a curious student who seems to know what he wants to know. I want to be competent enough for myself. I want to be critical. I want to be profound. But I always seem to not make that happen.I want to exist as I see fitting. I want to feel. I want to experience. I want to not be nervous. I want to see myself grow. I want to know.

It’s hard. I am complicated. I am so lost. I don’t want to be found because I am not hiding, I want to be unseen from the deep hue that is blurring my existence. I want to allow myself to be noticed. I want to be heard.

Catching up and UP Diliman

Standard

Mga taong WordPress!!! Namiss ko kayo. Ano ba yan. Nag-english pa ako dun sa huli kong post e SPG naman yung isang term dun. Iba kasi pag-English dahil stereotyped ng mga noypi na magaling, matalino, at may dating, di buh? So, nasa UP Diliman ako ngayon. Three weeks na din akong pumapasok at medyo okay naman. Maraming nag-iingles kahit sa labas ng classroom. Wala pa naman akong naririnig magconyo at kung meron man makikipagsabayan talaga ako. Kala ba nila they are the only ones who can make salita in conyo? Tita Krissy trained me well kaya. Hahahahaha! And now ko lang nalaman na we’re so near pala sa Areneo. Hohohoho! Madami talagang matatalino. Malalaman mo agad pag nagsalita sila. Lahat naman. Nakakaintimidate lang. Pero aayusin ko dito. Nandito na rin lang naman e, hindi ko pa ba gagalingan? Pero nakikiramdam pa rin ako sa mga klase ko. Di pa ako all out na beastmode. Wala akong beastmode by the way. Mabait ako.

Napag-usapan na rin lang naman ang English e may requirement kami sa English 1. Oo, English 1. Yun kasi yung nagrant kong class sa Computerized Registration System (CRS) ng UPD. Ayokong mawalan ng subject kaya di na ako nagprerog. Sa mga di po nakakaalam, ito po yung meaning ng prerog, ito yung process nya, at ito yung tips ni Ate sa tumblr tungkol sa enrollment as a whole. Labasan daw sya ng hidden talent. E wala akong talent. Next sem pa ako magkakatalent kaya yun. Go lang ako ngayon. Journal sya, online. Blog-ish yung type kaya dito na rin ako sa WordPress gumawa. Bisitahin nyo naman guys minsan. English sya. Hindi nga ako sanay e. Iskronicles yung pangalan nya. Booooom! Play on words di ba? Hahahaha!

Mabait yung prof ko dun. Maganda din. Hihi! Si Ma’am Mirasol. Kilala nyo ba sya? Mababait lahat ng prof ko ngayon. Maswerte nga ako e. Hindi lang ako medyo nagsasalita sa klase. Shy ako e. Hihi! Wala din akong required na General Education (GE) subject ngayon. Makikipag-agawan ako ng slots sa mga susunod na sem.

Nag-iisip pa ako kung magshishift ako. B Library and Information Science ang course ko e. Hindi pamilyar ‘no? Takbuhan sya ng shiftees and transferees. Ang alam ko marami ang pumupunta dito na galing Eng’g. Pero kahit ganun no. 1 pa rin ang UPD sa board exam ng mga librarian! Ang daming topnotcher! Okay ba akong librarian? O magshisift ba ako dahil iba ang sinasabi ng society na astig? O dahil iba ang expectations ng mga tao kaya I need to leave? Mas maganda bang pakinggan ang Engineer kesa sa Librarian o di kaya Archivist? Iba kasi ang nakaset sa utak ng mga tao. May nabasa nga ako e. “Nag-UPD ka pa e Educ lang naman.” Wow ha. Edi kayo na ang magagaling. Pero naapektuhan pa rin talaga ako ng mga comment na ganun. Marami din kasing magshishift out samin kahit pa kami ng mga blockmates ko ang “first considerable block” ng School of Library and Information Studies simula nung itinayo sya. Oo, una kami. Ever. Thirty one kami ngayon. Konti lang ‘no? Pero apat lang sila last year. Hahahahaha!

Ang dami kong dapat pag-isipan. Sobrang dami. Payuhan nyo naman ako. Medyo mahirap din kasi. Okay naman ang mga magulang ko dito. Pero naguguluhan pa rin ako. Tanginsss naman oh. Ang cruel ng societal norms.

P.S. I’ll write soon here.

P.P.S. DO CHECK OUT “Iskronicles

d29e357ea5ef3ed8fb1c4ee0bb189c3b

Selflessness (credits to Earl E. Bolivar)

Popcorn, BuzzFeed, and my Summer!

Standard

I can still remember the first time I watched a BuzzFeed video on Youtube. It was one of those boring afternoons (every summer afternoon is boring by the way) when I stumbled upon a page (maybe) sharing something with “Americans”, “Filipino”, and “food” in it’s title. I got hooked instantly! What’s more attention grabbing than those three words for a young Filipino who’s been immensely influenced by everything and anything with America in it and is very, VERY fond of eating? I dove in without any hesitation. Apparently it was about BuzzFeed employees tasting some Jollibee. Fast food. Pftttt. Anyway, it lead from one thing to another and I now resort to their Youtube channel for entertainment. They have good content, for me at least. I get satisfaction from their witty and sometimes funny videos. Their videos are bold, I know, their adults but I get a lot of information from them and I think sometimes I get too much. WAY TOO MUCH

I recently learned something from buzzfeed. Popcorn. Butter is usually added to them while they are hot. (But I don’t do popcorn. I eat rice with ulam for meryenda. Hahaha!) I learned a new word from that video, “truffle butter.” I guessed at first that it must be expensive because truffles are freaking expensive. I learned that from cooking shows 😉 and that truffle oil stinks and will ruin your food if you don’t have proper knowledge of using it, that was from Masterchef. You shouldn’t bitch around Gordon Ramsay if you don’t want to be called an “Idiot Sandwich”. I thought that the truffle butter in the video was truffle mixed with melted butter like those compound butter with herbs that’s used on steaks but NO! Boy, was I wrong! I didn’t expect that! TOTALLY!

An idiot sandwich

An idiot sandwich

Truffle butter is apparently a slang term slowing making it’s way to many people’s vocabulary. I will define it here for information purposes. There are several definitions in urbanditionary.com and I chose a less vulgar and offensive definition. Here goes:

Truffle Butter
-Something so disturbing, you don’t even want to know what it means.
Jake: Dude, what’s ‘Truffle Butter’ mean??
Eli: Bro, don’t even ask.
by Birkner23 March 29, 2015

If you really are curious, click “shame on me.” You can hear the word in one of Nicki Minaj’s song titled “Truffle Butter” what else? Shocker. Anything with Nicki Minaj’s name on it becomes BIG. Sometimes literally, if you know what I mean *grins* It’s quite disturbing though but I can’t unsee it now. The damages have been done. I’m injured inside. THE INTERNET IS VERY POWERFUL.

Aside from truffle butter, youtube videos have occupied me this summer. I’m so into youtube even though I don’t make videos myself. The entertainment industry is boomming then and especially now. Everybody’s into the internet. I learn stuff from videos, a little maybe. I will continue to do youtube because I recently declared myself as a visual learner. I tend to remember more than just simply reading it out of context. Summer is a bliss.

And oh by the way I will kill two more months of vacation! I’m going to college!!! U-nibersidad ng Pilipinas! U-NIBERSIDAD NG PILIPINAS! I’m sorta excited and nervous at the same time. I didn’t expect that I would get into my dream school. I’ll talk about it in another post because I have a lot of kwento soon. I’m turning conyo na. Nooooo! Toodles.

Anniversary na pala!?

Standard

Magkaroon ako ng sudden urge na bisitahin ang blog kong ito. Wala akong magawa. Makapag-update siguro. Magbasa. At ayun nga nalaman ko na lang na bukas (April 4) ang anniversary ng blog ko!!! Ganun na pala katagal? Bwahahahaha! Hindi ko na namalayan ang panahon. Hindi kasi akong makatsempo ng pagsulat, tamad po ako (bow) 😀 Wala pating inspiration, walang mapanghugutan dahil wala naman talagang huhugutin. Said.

Napagtripan ko lang pong magsulat sa WordPress dahil gusto kong mahasa sa pagsusulat dahil na rin sa journalism. Pero wala, bokya e. Hindi siguro para sakin yun. Walang magagawa kundi piliting mag-improve 🙂 Bukod pa dito wala  akong magawa (ulit) noong isang bakasyon. Nakatunganga ako buong maghapon (literally). Ang kapatid ko nasa Ormoc lumalaban sa National School Press Conference, ang Mama ko naman nasa ibang bansa nagbabakasyon at ang Papa ko ay nasa ibang bansa rin nagtatrabaho naman.

Pero sobra akong natuwa sa blogsphere! Medyo madami rin akong nakilala. Naeexcite akong magsulat dahil may mga bumabasa ng mga gawa ko. In fact, hindi ako dati magkandaugaga kapag may naglalike ng post ko! 😀 Sobrang saya! Swerte na ang makadalawa. Bwahahahahaha! At least alam kong naaapreciate ang gawa ko kahit walang sense ang sinusulat ko. 😉

At ngayong isang taon na itong blog ko. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa mga tumangkilik, tumatangkilik, tatangkilik, at napadaan lang! Salamat po! 😀 Mabuhay tayong lahat!

The return of the COMEBACK!

Standard

Helloooooooo! Naiiyak ako promise. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang tagal kong nawala. After nung one-month-one-post scheme ko ay bigla na akong tinamad. Bwahahahahaha! Pero nakakamiss din pala ang blogsphere. Okay, let me explain. Nagbusy siguro ako at nawalan ako ng drive para magsulat. Pagkatapos ng Division Schools Press Conference (na isa sa dahilan ng pagkakabuo ng blog na ito) ay hindi na ako nakaget-over sa epic na taon ng 2013. I didn’t made the cut. Kahit anong recognition para sa pangalan ko ay wala. Para nga pong gusto ko ng umiyak noong awarding ceremonies. Para akong may-flu, hindi ako tumatayo. Hayyyyyy! Ewan! Basta, it’s very tragic! Huhuhuhuhuhu! Kahit na nagrepeat ang kapatid ko ng pagkapanalo at ayun nagtatraining ngayon para sa Regional Schools Press Conference ay masakit pa rin.

Naging busy ako sa School Paper namin na Champion last year. Ngayon, ewan. Nanghina na lang ako noong sinabi ng teacher namin na, “Wala nakuhang top 3 ang dyaryo pero pasok naman sa top 10“. Parang ibinili ako ng Iphone 5c kaso kahon pa lang pala. Ang sakit kaya. Hindi na nga kami nagbakasyon para doon tapos hindi na rin ako nakaatend ng training para lang matapos yun. Hurt, hurt, HURT!

Ewan. I can think of many excuses pero ang totoong dahilan ay nawalan ako ng tiwala sa pagsusulat ko. Akala ko kasi ayos na yung nagawa ko noong nagcocontest na, it was not enough pala. I didn’t even receive anything kahit 15th place. Pero, enough heartaches!!! Nakamove-on na ako kahit papaano. Sabi nga nila may bukas pa at last chance ko na next year. Nakadalawa na ang kapatid ko e ako’y wala pa. Lagi pa ako nung idinidiscourage. Hindi dawa ako magaling, hindi daw ako mananalo, etc. Ala hayae na siya!

Maiba tayo, namiss ko ang mga Ate at Kuya ko dito. Sina Kuya June, Ate Zezil, si Master Steno, ang mga napuri sa mga poorly-made post ko (sorry po at hindi ko natanda ang mga usernames niyo),  at ang mga taong natripang ifollow ako. Salamat po!!! Namiss ko rin ang pag-aanticipate na may maglilike at magcocomment sa mga post ko. Ang mga malalalim (nosebleeding) at nakakatuwang post ni Ate Zezil,  ang napakagaling na si Master Sankage, at ang mga nakakaexcite na stories ni Kuya June. Lahat yun nakakamiss!

Hanggang dito muna ngayon. Magparamdam kayo 😀 Bwahahahahaha!

Queen City of the South!

Standard

Picture1

As Cebu Pacific flight 5J 774 slowly descends to Cebu-Mactan International Airport, I couldn’t resist but to compare the province beneath me now, Cebu, with Manila which I left just an hour ago. Their night lights were significantly distinguishable. Manila’s were far brighter and concentrated than Cebu’s which are dimmer and farther from one another. With this observation, I wanted to further explore the whole province of Cebu especially Cebu City. Intrigued and excited at the same time, I have been dreaming of this moment for some time now.

12:35 AM, we have landed at Cebu-Mactan International Airport, Lalu-Lapu City. The aiport is nice, beautiful in fact. It is the second busiest airport in the Philippines and one of the top 20 airports in the ASEAN region in 2011 which I have seen for myself. The people of Cebu were really nice but I can’t understand Cebuano. I do recognize some of the words because of my ‘bisaya‘ mom. I would always see her with our other relatives laughing in a corner about something that I don’t totally understand. I have always wanted to learn the Visayan language because of its simplicity and complexity at the same time. It fascinated me because it comes in many varieties, starting with Ilonggo, Waray, Boholanon, Cebuano, and the list goes on and on.

We continued our little excursion in Cebu City. I was really amazed. The streets were clean, high rising building are everywhere, the traffic system is very smart, the architectures are just plain beautiful, and everything looked very sophisticated. It is the center of a metropolitan area called Metro Cebu, which includes the cities of Carcar, Danao, Lapu-lapu, Mandaue, Naga, Talisay and the municipalities of Compostela, Consolacion, Cordova, Liloan, Minglanilla and San Fernando. With the modernity that I have observed it is still hard to believe that Cebu City is the oldest city in the Philippines. A fast rising and beautiful city in its own terms.

 “Ang ganda.”, “Sobrang ganda.” and “Dito na lang tayo tumira,” these kept escaping my mouth especially when we went to Ayala Center Cebu. This was the first Ayala Shopping Center located outside of Metro Manila which was opened in 1994. It is chic and modern and is surrounded by big buildings which I think are condominiums. It recently had a major renovation which unveiled “The Terraces”, a 600-million project. It housed high end boutique and stores that is collected in a lagoon like surrounding. I was totally blown away! It exceeded my expectations, big time!

I thought that Cebu City is the perfect city but I was obviously wrong. Where there is a beautiful side there must be a not-so-beautiful side. Everything needs balance and Cebu City is a part of everything. I saw Cebu City’s other side later that day. And it somewhat shocked me because I really thought that I have seen something perfect. Bustling streets with speeding cars, tons of crossing pedestrians without a proper pedestrian lane and slum like areas, these are what I have seen while crossing the poorly lighted road running for my own life. It was smoky but bearable. I should be used to it by now because Metro Manila is a little bit worse.

I have been to Cebu, smelled the air, felt the vibe, walked the sidewalks, met the people, and loved it totally! It took me just a day to fully appreciate its beauty. And I know this wouldn’t be my last visit because I want to see its development through the years and maybe, just  maybe Cebu City will be my own little paradise in the future.

 

Parol: gumawa ako, bumili ka!

Standard

Yung totoo?

parol 3

Last week, nainis ako dahil may balita si ma’am. Gagawa daw kami ng parol. Biglaan. Kulay pula daw at madami pang specification. Habang yung iba kong kaklase ay tuwang-tuwa at masigasig na nakikinig sa kanyang explanation, ako naman ay nakayuko at halatang nayayamot. Ang totoo’y nagmumura ako sa loob. Tumakbo ang maraming tanong sa isip ko. Saan ako kukuha ng kawayan? San ako magpapagawa ng buntot? Wala na naman akong pera ngayon. Bumili na lang kaya ako ng gawa na?

Naiinis talaga ako kapag gawaan na ng parol. Last year kasi, pinagawa kami sa school. Bayanihan kami ng mga kaklase ko. At noong huli’y deformed ang parol ko. Ang saya! Pero atleast nakagawa ako.

At ngayon, ito. The same situation. Gagawa na naman ng parol. Nakapagproduce ako. Ayos. Hindi deformed. Medyo ayos. Maganda kapag malayo pero kapag lumapit na, no comment. Medyo masaya naman ako sa result. Agad kong inabot sa adviser namin. Todo sabit naman agad sa harap ng room. Ang sarap sa pakiramdam.

Pero binabalot ng kasinungalingan ang mga parol na yun. Ang mga nakasabit na parol. Early that morning, una na naman akong dumating mga 6:00. May dumating akong kaklase, dala niya yung parol niya at wala pang buntot. Siya rin yung kaklase kong nagtext kagabi ng “Ipaggawa niyo naman ako ng buntot, loloadan ko. Please!” At mukahang walang tumugon sa text niya. Hindi pa rin kumpleto ang parol niya. Sabi niya bibili na lang daw siya sa labas. Baka daw ipinagbibili. I agreed kesa naman kulang ang parol niya. Lumabas at bumalik din agad. May dalang parol. Bumili!

Again I agreed kahit mali. Wag na lang daw sabihin. Ano pa nga ba.  Dumating na ang mga tao. Napansin yung parol niya. Maganda daw. Banat na banat. Malamang, binili e! Ang sabi naman niya tumulong daw ang nanay at tatay niya sa paggagawa. Napapamura na lang ako. Unfair!

Ano pa nga bang maggagawa ko. Naipasa na. Sumang-ayon ako. Bigti na!

Kaya kayo, kapag pinagagawa ay gumawa kayo ng sarili niyo.

P.S. Nakapagproduce ako ng parol. Ako ang gumawa? Ewan. Nagpagawa ako? Secret. Bwahahahahahaha!

My own paradise

Standard

Kaninang umaga pumunta ako sa bayan. Mataas ang sikat ng araw. Ginaganahan ako ngayon hindi ko alam kung bakit. Naglakad na ako dahil walang dumadaang tricycle. Mainit pero oks lang. Dahan dahan ang aking paglalakad. Ewan ko ba. Nahihiwagaan ako sa paligid. Napatingin ako sa tabing dagat. Nakakapanibago. Wala ni isang alon. Napakapayapa, ang gandang tingnan.

May ingay na unti-unting lumalapit. Napalingon ako. Tricycle. Sa tabi ng driver ako umupo. Umandar. Malakas ang hangin dahil sa bilis ng takbo nito. Malapit na, malapit na ang lugar na yun. Ang tanawin na lagi kong inaabangan dahil sa angkin nitong kagandahan. Ang kalsada ay nasa itaas ng bundok kaya’t kitang kita ang kabuuan ng lugar na yun. Iba-iba ang nakikita ko tuwing nadadaan ko ito. Minsan, bakas dito ang sama ng panahon dahil sa pagsisiksikan ng mga roro, yate, maliliit na bangca, at iba pang sasakyang lumulutan upang makaiwas sa malalaking alon. Nagiging instant safe haven ang mga asul niyang tubig. Karaniwan namang payapa ang kanyang mga tubig.  Napaliliran ng mga bundok at dahil doon ay hindi ka makakakita ng alon sa mismong dalampasigan nito. Napakalinaw ng tubig dito. Sa sobrang linaw ay natatanaw ko minsan ang kabuuan ng corals dito na malapit sa dalampasigan. Vibrant colors of green and blue blend beautifully every single time.

1238847_467750129999900_352817505_n

Mabilis ang takbo ng tricycle pero unti-unting bumagal ang tanawing ito sa aking paningin. Tumatatak isa-isa ang imaheng nakita ko. Parang naging camera ang mga mata ko. Sa bawat kisap ay iba’t ibang angulo ang napipinta sakin. Nabubuo ang isang mabilis na slideshow sa isipan ko. This place never gets old for me. I never get tired of its wholesomeness.  Nakakatanggal ng problem ang 15 segundong iyon. Ang 15 segundong tuwing umaga ay nagpapatanggal ng mga problema. Ang oras na yun ang 15 segundong nagpapalaya sakin sa reyalidad na walang akong inaalala. Kahit maikli lang ang oras na yun ay ipinagpapasalamat ko parin yun. Nature is really wonderful.

I ended up smiling the whole trip. That view always makes my day.

encenada-beach-resort

Hustisya! Kailangan ko ng HUSTISYA!

Standard

Guys, kuyas, ates at kung sino mang naabot ng mensaheng ito, kailangan ko ng inyong tulong! Nakidnap, tinangay, sinilid sa sako at dila sa napakalaloy lugar kung saan hindi ko makikita ang pinakamamahal at iniingatan kong NOTEBOOK! Waaaaaaaaaah!

Huli ko siyang nakita nung Lunes ng hapon sa ilalim ng upuan ko. Lahat kasi ng mga ginagamit kong gamit ay ang tambayan ay ang maalikabok na ilalim ng upuan ko dahil sa katamaran kong ipagsasaksak sila sa bag ko. Tuwing matatapos ang isang klase ay ganun ang gawain ko at sa hapon ko na lang inilalagay sa bag. Tanda-tanda kong iniligay ko ang greeng notebook na yun sa bag ko! Tandang-tanda ko talagal! Pero kinagabihan habang naghahalungkat ng bag at nagtatanggal ng basura ay hindi ko siya nakita dun. Hinanap ko, as in todo hanap talaga. Nang napagod ako ay nanalig na lang akong naiwan ko talaga siya classroom.

Maaga akong dumaring sa room, 5:50. Ako pa lang ang tao at madilim pa. Naghanap ako sa upuan, cabinets, lalagyanan ng gamit namin, at sa table ni Ma’am. Pero wala! Wala! Noong dumami ang tao ay nagtanung-tanong ako. “Hiniram mo yung notebook kong green? Yung may mga kwento?” Walang umamin, walang nakapansin! ” Ilabas niyo na naman ang notebook ko! P-u-t-a-l-i-t-t-l-e-m-o-r-e na yan! Mamatay na ang kumuha nun!” Inis na inis na ako dahil hindi ko siya makita. Huhuhuhuhuhu! 😥

Bakit ba mahalaga yun? Bakit ha, bakit? Kasi nga yun ang notebook na pinagsusulatan ko. May ilang feature na akong na naisulat dun na humanap pa akong ng ‘pinanghugutan‘ tapos mawawala lang! Bukod dun nandoon din ang draft ko ng iba pang sinulat ko noong summer. Ang mga sama ng loob, kabaliwan at ang karugtong ng estorya ni Tina, ang babae sa tapat! Nakakapang hinayang ang pagpiga ko sa utak ko para lang maging letra ang mga thoughts ko pati na rin ang mga day dreaming scenarios.

Ang totally wasted na notebook na yun ang naging karamay ko sa tuwing tinatamaan ako ng topak at kinakati ang mga kamay ko na gustong-gustong magsulat. Isa yun sa mga dahilan kong bakit ako nagsimulang magblog. Dahil nawili ako sa pagsusulat dahil niya and I craved for more! Nakakamis ang laspag niyang look dahil sa dami na niyang pinagdaan. Kasama ko siya sa school based training para sa Journalism, sa Division School Press Conference noong nakaraang taon pati na sa mga panahong walang kuryente at gusto kong magsulat. May ilang “Masterplan” din akong isinulat sa kanya na para sana sa School Paper namin kaso nawala naman siya. Ninakaw, namissplace, nawala!

Kabilang sa mga produkto niya ang ” Si Tina sa tapat“, “Kaibigan (Ang sarap mong chop-chopin at itapon sa bangin!)“, “Experience is the Best Teacher“, at “Triumphs of a staffer“.

Kaya nananawagan ko ako sa mga may mabubuting loob na makakakita sa kanya, maring icomment niyo na lang po ang kinaroroonan niya! Maraming salamat po! Sa mabuting magbabalik saki ay ipagpapray ko po kayo! At kung sino mang nagnakaw nun huwag na huwag kang aamin dahil MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN!