Magnanakaw

Standard

Tahimik siyang nakaharap sa screen ng laptop. Nakapasak ang headset sa tenga. Nakapokus siya dito. Matinding consentrasyon. Wari’y may malalim na inisip.

Maya-maya pa’y mayroon kakaibang ingay na bumasag sa katahimik. Hindi niya namalayan ito dahil sa mahiwagang headset na natindi ang kapit sa kanyang mga tenga na nagsisilbing proteksyon niya sa mga hindi kaaya-ayang ingay na maaring gumambala sa kanya.

Unti-unting lumapit ang ingay sa kinaroonan niya. Daglian. Mabilis. Walang iniintay. Wala pa rin siya’y kamalay-malay. Maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang gumagawa ng ingay. Kakaibang nilalang. Makakatakot.

Paglapit nito’y agad nitong ginawa ang pakay. Kinuha ang inaasam. Ang dapat kuhanin sa taong hindi natitinag ang titig sa screen. Walang pakialam.

Dahil na rin sa tagal ng nilalang sa harap niya’t harap-harap siyang ninanakawan, hindi na niya naiwasang pansinin ito.

Tanging napakalakas na sigaw ang naiganti niya. Hindi magkaintindihan. Nakakabingi. Kasabay ng isang napakalakas na hampas.

“Putang ina naman oh!!! Sabing isara ang pinto kung lalabas!!! Ang dami sabing lamok!!! Ayan, offline na!!! Wala na!!! Minsan na nga lang yun mag-online!!!”

Masked-Person-With-Gun

Bang!

Advertisements

2 responses »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s