Monthly Archives: September 2013

Parol: gumawa ako, bumili ka!

Standard

Yung totoo?

parol 3

Last week, nainis ako dahil may balita si ma’am. Gagawa daw kami ng parol. Biglaan. Kulay pula daw at madami pang specification. Habang yung iba kong kaklase ay tuwang-tuwa at masigasig na nakikinig sa kanyang explanation, ako naman ay nakayuko at halatang nayayamot. Ang totoo’y nagmumura ako sa loob. Tumakbo ang maraming tanong sa isip ko. Saan ako kukuha ng kawayan? San ako magpapagawa ng buntot? Wala na naman akong pera ngayon. Bumili na lang kaya ako ng gawa na?

Naiinis talaga ako kapag gawaan na ng parol. Last year kasi, pinagawa kami sa school. Bayanihan kami ng mga kaklase ko. At noong huli’y deformed ang parol ko. Ang saya! Pero atleast nakagawa ako.

At ngayon, ito. The same situation. Gagawa na naman ng parol. Nakapagproduce ako. Ayos. Hindi deformed. Medyo ayos. Maganda kapag malayo pero kapag lumapit na, no comment. Medyo masaya naman ako sa result. Agad kong inabot sa adviser namin. Todo sabit naman agad sa harap ng room. Ang sarap sa pakiramdam.

Pero binabalot ng kasinungalingan ang mga parol na yun. Ang mga nakasabit na parol. Early that morning, una na naman akong dumating mga 6:00. May dumating akong kaklase, dala niya yung parol niya at wala pang buntot. Siya rin yung kaklase kong nagtext kagabi ng “Ipaggawa niyo naman ako ng buntot, loloadan ko. Please!” At mukahang walang tumugon sa text niya. Hindi pa rin kumpleto ang parol niya. Sabi niya bibili na lang daw siya sa labas. Baka daw ipinagbibili. I agreed kesa naman kulang ang parol niya. Lumabas at bumalik din agad. May dalang parol. Bumili!

Again I agreed kahit mali. Wag na lang daw sabihin. Ano pa nga ba.  Dumating na ang mga tao. Napansin yung parol niya. Maganda daw. Banat na banat. Malamang, binili e! Ang sabi naman niya tumulong daw ang nanay at tatay niya sa paggagawa. Napapamura na lang ako. Unfair!

Ano pa nga bang maggagawa ko. Naipasa na. Sumang-ayon ako. Bigti na!

Kaya kayo, kapag pinagagawa ay gumawa kayo ng sarili niyo.

P.S. Nakapagproduce ako ng parol. Ako ang gumawa? Ewan. Nagpagawa ako? Secret. Bwahahahahahaha!

My own paradise

Standard

Kaninang umaga pumunta ako sa bayan. Mataas ang sikat ng araw. Ginaganahan ako ngayon hindi ko alam kung bakit. Naglakad na ako dahil walang dumadaang tricycle. Mainit pero oks lang. Dahan dahan ang aking paglalakad. Ewan ko ba. Nahihiwagaan ako sa paligid. Napatingin ako sa tabing dagat. Nakakapanibago. Wala ni isang alon. Napakapayapa, ang gandang tingnan.

May ingay na unti-unting lumalapit. Napalingon ako. Tricycle. Sa tabi ng driver ako umupo. Umandar. Malakas ang hangin dahil sa bilis ng takbo nito. Malapit na, malapit na ang lugar na yun. Ang tanawin na lagi kong inaabangan dahil sa angkin nitong kagandahan. Ang kalsada ay nasa itaas ng bundok kaya’t kitang kita ang kabuuan ng lugar na yun. Iba-iba ang nakikita ko tuwing nadadaan ko ito. Minsan, bakas dito ang sama ng panahon dahil sa pagsisiksikan ng mga roro, yate, maliliit na bangca, at iba pang sasakyang lumulutan upang makaiwas sa malalaking alon. Nagiging instant safe haven ang mga asul niyang tubig. Karaniwan namang payapa ang kanyang mga tubig.  Napaliliran ng mga bundok at dahil doon ay hindi ka makakakita ng alon sa mismong dalampasigan nito. Napakalinaw ng tubig dito. Sa sobrang linaw ay natatanaw ko minsan ang kabuuan ng corals dito na malapit sa dalampasigan. Vibrant colors of green and blue blend beautifully every single time.

1238847_467750129999900_352817505_n

Mabilis ang takbo ng tricycle pero unti-unting bumagal ang tanawing ito sa aking paningin. Tumatatak isa-isa ang imaheng nakita ko. Parang naging camera ang mga mata ko. Sa bawat kisap ay iba’t ibang angulo ang napipinta sakin. Nabubuo ang isang mabilis na slideshow sa isipan ko. This place never gets old for me. I never get tired of its wholesomeness.  Nakakatanggal ng problem ang 15 segundong iyon. Ang 15 segundong tuwing umaga ay nagpapatanggal ng mga problema. Ang oras na yun ang 15 segundong nagpapalaya sakin sa reyalidad na walang akong inaalala. Kahit maikli lang ang oras na yun ay ipinagpapasalamat ko parin yun. Nature is really wonderful.

I ended up smiling the whole trip. That view always makes my day.

encenada-beach-resort