Hustisya! Kailangan ko ng HUSTISYA!

Standard

Guys, kuyas, ates at kung sino mang naabot ng mensaheng ito, kailangan ko ng inyong tulong! Nakidnap, tinangay, sinilid sa sako at dila sa napakalaloy lugar kung saan hindi ko makikita ang pinakamamahal at iniingatan kong NOTEBOOK! Waaaaaaaaaah!

Huli ko siyang nakita nung Lunes ng hapon sa ilalim ng upuan ko. Lahat kasi ng mga ginagamit kong gamit ay ang tambayan ay ang maalikabok na ilalim ng upuan ko dahil sa katamaran kong ipagsasaksak sila sa bag ko. Tuwing matatapos ang isang klase ay ganun ang gawain ko at sa hapon ko na lang inilalagay sa bag. Tanda-tanda kong iniligay ko ang greeng notebook na yun sa bag ko! Tandang-tanda ko talagal! Pero kinagabihan habang naghahalungkat ng bag at nagtatanggal ng basura ay hindi ko siya nakita dun. Hinanap ko, as in todo hanap talaga. Nang napagod ako ay nanalig na lang akong naiwan ko talaga siya classroom.

Maaga akong dumaring sa room, 5:50. Ako pa lang ang tao at madilim pa. Naghanap ako sa upuan, cabinets, lalagyanan ng gamit namin, at sa table ni Ma’am. Pero wala! Wala! Noong dumami ang tao ay nagtanung-tanong ako. “Hiniram mo yung notebook kong green? Yung may mga kwento?” Walang umamin, walang nakapansin! ” Ilabas niyo na naman ang notebook ko! P-u-t-a-l-i-t-t-l-e-m-o-r-e na yan! Mamatay na ang kumuha nun!” Inis na inis na ako dahil hindi ko siya makita. Huhuhuhuhuhu! ūüė•

Bakit ba mahalaga yun? Bakit ha, bakit? Kasi nga yun ang notebook na pinagsusulatan ko. May ilang feature na akong na naisulat dun na humanap pa akong ng ‘pinanghugutan‘ tapos mawawala lang! Bukod dun nandoon din ang draft ko ng iba pang sinulat ko noong summer. Ang mga sama ng loob, kabaliwan at ang karugtong ng estorya ni Tina, ang babae sa tapat! Nakakapang hinayang ang pagpiga ko sa utak ko para lang maging letra ang mga thoughts ko pati na rin ang mga day dreaming scenarios.

Ang totally wasted na notebook na yun ang naging karamay ko sa tuwing tinatamaan ako ng topak at kinakati ang mga kamay ko na gustong-gustong magsulat. Isa yun sa mga dahilan kong bakit ako nagsimulang magblog. Dahil nawili ako sa pagsusulat dahil niya and I craved for more! Nakakamis ang laspag niyang look dahil sa dami na niyang pinagdaan. Kasama ko siya sa school based training para sa Journalism, sa Division School Press Conference noong nakaraang taon pati na sa mga panahong walang kuryente at gusto kong magsulat. May ilang “Masterplan” din akong isinulat sa kanya na para sana sa School Paper namin kaso nawala naman siya. Ninakaw, namissplace, nawala!

Kabilang sa mga produkto niya ang ” Si Tina sa tapat“, “Kaibigan (Ang sarap mong chop-chopin at itapon sa¬†bangin!)“, “Experience is the Best¬†Teacher“, at “Triumphs of a¬†staffer“.

Kaya nananawagan ko ako sa mga may mabubuting loob na makakakita sa kanya, maring icomment niyo na lang po ang kinaroroonan niya! Maraming salamat po! Sa mabuting magbabalik saki ay ipagpapray ko po kayo! At kung sino mang nagnakaw nun huwag na huwag kang aamin dahil MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN! 

Advertisements

2 responses »

  1. LOL! Pero sorry to hear that. Naiimagine ko kung paano kasakit mawalan ng ganun ka importanteng bagay. Pero ang ganda naman pala ng mga laman. Kung ako nakakita nun. Babasahin ko muna at pagsasasaan at pagpapasahan ng magkakaibigan hehe.
    I hope all is okay with you now. Pagdadasal kong mabalik na si notebook sayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s