Ang hirap maging estudyante

Standard

Nagbukas ang mga pintuan ng mga paaralan. Laging rush ang mga tao lalo na ang mga estudyante. At sa kasamaan palad ay isa ako sa kanila. Naging busy ako, sobra. Hindi ko inaasahan na sobrang daming gawain “pers day” pa lang. Pero wala naman ako magagawa. Kaya sumunod na lang ako sa daloy ng buhay.

Pero hindi lumuwag ang mga gawain. Ang mga assignments nasundan ng mga report, presentation, quiz at ang walang kamatayang responsibilidad. Eh estudyante eh. Kasama na yun sa package. Dahil din dun ay madami akong hindi nagagawa na gustong gusto kong gawin. Isa na dun ang mag-update ng “kaEwanan” sa blog ko. Siguro ay lalo nang natigang at nabored ang mga mambabasa.

Noong isang weekend sana ay pipilitin kong makapost kaso biglang nagbigay ng project si Mam Chemistry. First week of classes may project na!? Masaklap pero totoo. Nasusura ako. May mga teacher pang kung magpagawa ng assignment ay isang oras na sultan, no. 1 pa lang yun. Kinakaya kahit nakakapagod.

Nami-miss ko ng basahin ang mga blog ng mga inaabangan kong bloggers. Sina Ate Zezil, Kuya June, Master Steno, at sobrang dami pang iba. Ang hirap pa lang magsulat kapag maraming iniintidi. Nakakawindang.

Pero masaya rin naman nasa paaralan, kasama mo ang mga kaibigan at mga kaklase mong mga baliw. Laging may tawanan, murahan, hingian, hiraman, asaran. Lalo na para sa kanila dahil muling pinayagan ang mga yagit na estudyante na magdala ng kanilang Brand New, 2nd, 3rd, 4th at laspag na mga cellphone. Sabi daw eh privilege ito ng mga estudyante. Kaya naman maya’t maya ang hawak ke Nokia, Samsung, Cherry Mobile at “no name” para mag GM (group message). Hay buhay.

Kailan kaya ulit ako makakapost? Sana malapit na. Salamat po sa mg nagtitiyagang basahin ang blog kong ito. Mabuhay ka!

Ang mga larawan kong ito ay kinuha ko lang sa Facebook at wala pong klase sa mga oras na ito. Walang magwiwild.

296106_274393916039145_1142127315_n

Ang mga walang magawa sa buhay.

1006656_562132547158519_952908662_o

Ang mga naggagawa report. Wag mang husga, nirush yan.

997722_562132327158541_496783492_o

Ang mga pasikat.

1004261_562132877158486_289980636_o

Ang masipag (daw?).

997950_562132420491865_664046345_o

At hindi mawawala ang tulog, stressed, may sakit, at tinatamad lang.

 

Advertisements

2 responses »

  1. “Okay lang yan! Ang sarap sarap kaya mag-aral! Pag nagtatrabaho kana, hahanap hanapin mo yan!”————Ang laging sinasabi ng mga graduate na! Pero alam mo, totoo! 😀

    Enjoyin mo ang pag aaral kasi pribelehiyo mo iyon. 🙂 Magandang training din yang sandamakmak na gawain kasi pag college kana, NAKU! Wala na, chop suey na sa dami ng ipapagawa sayo!

    Ang blog, andito lang yan sa internet, makakapag antay. Ang deadline sa school, hindi. 😉

    Study hard Julius! Andito lang naman kami. Hehehe. Salamat a pagbabasa! God bless. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s