Monthly Archives: June 2013

Ang hirap maging estudyante

Standard

Nagbukas ang mga pintuan ng mga paaralan. Laging rush ang mga tao lalo na ang mga estudyante. At sa kasamaan palad ay isa ako sa kanila. Naging busy ako, sobra. Hindi ko inaasahan na sobrang daming gawain “pers day” pa lang. Pero wala naman ako magagawa. Kaya sumunod na lang ako sa daloy ng buhay.

Pero hindi lumuwag ang mga gawain. Ang mga assignments nasundan ng mga report, presentation, quiz at ang walang kamatayang responsibilidad. Eh estudyante eh. Kasama na yun sa package. Dahil din dun ay madami akong hindi nagagawa na gustong gusto kong gawin. Isa na dun ang mag-update ng “kaEwanan” sa blog ko. Siguro ay lalo nang natigang at nabored ang mga mambabasa.

Noong isang weekend sana ay pipilitin kong makapost kaso biglang nagbigay ng project si Mam Chemistry. First week of classes may project na!? Masaklap pero totoo. Nasusura ako. May mga teacher pang kung magpagawa ng assignment ay isang oras na sultan, no. 1 pa lang yun. Kinakaya kahit nakakapagod.

Nami-miss ko ng basahin ang mga blog ng mga inaabangan kong bloggers. Sina Ate Zezil, Kuya June, Master Steno, at sobrang dami pang iba. Ang hirap pa lang magsulat kapag maraming iniintidi. Nakakawindang.

Pero masaya rin naman nasa paaralan, kasama mo ang mga kaibigan at mga kaklase mong mga baliw. Laging may tawanan, murahan, hingian, hiraman, asaran. Lalo na para sa kanila dahil muling pinayagan ang mga yagit na estudyante na magdala ng kanilang Brand New, 2nd, 3rd, 4th at laspag na mga cellphone. Sabi daw eh privilege ito ng mga estudyante. Kaya naman maya’t maya ang hawak ke Nokia, Samsung, Cherry Mobile at “no name” para mag GM (group message). Hay buhay.

Kailan kaya ulit ako makakapost? Sana malapit na. Salamat po sa mg nagtitiyagang basahin ang blog kong ito. Mabuhay ka!

Ang mga larawan kong ito ay kinuha ko lang sa Facebook at wala pong klase sa mga oras na ito. Walang magwiwild.

296106_274393916039145_1142127315_n

Ang mga walang magawa sa buhay.

1006656_562132547158519_952908662_o

Ang mga naggagawa report. Wag mang husga, nirush yan.

997722_562132327158541_496783492_o

Ang mga pasikat.

1004261_562132877158486_289980636_o

Ang masipag (daw?).

997950_562132420491865_664046345_o

At hindi mawawala ang tulog, stressed, may sakit, at tinatamad lang.

 

Advertisements

Kaibigan (Ang sarap mong chop-chopin at itapon sa bangin!)

Standard

Nakakapagod din. Araw-araw tayong ganito. Nandyan kayo, nandito ako. Tumingin ako, wala kayong pakialam. Nagsalita ako, wala kayong narinig. Mahina siguro ang pagkakasabi ko kaya inulit ko pero wala parin. Baka may ginagawa kayo. Kaya’t naghintay ako. Umintindi. Lumipas ang mga oras pero wala parin.

Ipinagpabukas ko na ang mga gusto kong sabihin. Hindi naman ito gaanong kaimportante. Kinabukasan, nandyan ulit kayo. Nangumusta naman ako, tumingin lang kayo. Nagtanong ako kung madami kayong gagawin, pero walang umibo. Inisip ko na lang na meron nga kaya wala akong nagawa kundi maghintay. Nagsasalita ako paminsan-minsan, nakatingin kayo sa kawalan.

Mga ilang araw ding ganito. Tiniis ko dahil kaibigan ko kayo. Walang kaso sakin ang maghintay. Bigla na lang dumating ang araw na ayaw niyo na akong makita. Tinanggap ko yun dahil baka may problema lang kayo. Ayos lang naman. Mabait naman ako.

Matagal-tagal na. Wala parin akong balita sa inyo. Naisipan ko nang tumigil pero baka matindi ang problema niyo, kaya nagtiyaga ako. Baka kailangan niyo ng kausap.

Isang malagim na araw, ipinagtabuyan niyo ako. MASAKIT! Sobrang SAKIT! Hindi ko maintindihan. May nagawa ba akong mali??? Ni, “Uy, nandyan ka pala” wala akong narinig. Parang tood lang akong walang kwenta sa paghihintay kong yun. Kahit “salamat” wala kayong sinabi. Tapos ganito lang? Walang paliwanag? Masakit dahil nagmukha akong TANGA. Wala man lang pumansin o nangumusta sakin. Ako lagi ang gumagawa ng paraan para maka-usap kayo.

Tapos sasabihin niyo kung bakit ko ginawa yun, eh alam ko naman pala na walang kwenta yung ginagawa ko? Gusto niyong malaman kung bakit? Dahil nga kaibigan ko kayo! Mahirap bang intindihin yun?

Nagmukha akong tanga sa pag-intindi at paghihitay. Nakakakapagod din pala. Masakit.

.

.

.

.

.

Ah, teka sino bang kausap ko? Wala na naman akong mga kaibigan.

(P.S. Hindi po ito totoo. Pero may pinanghugutan ako. Wag niyo na pong alamin ang details. Hahahaha. Ginawa ko ito isang gabing walang kuryente, patay sindi.)

(P.P.S. Pasensya na po sa pagkakasulat. Pagtiyagaan na lang po 😀 )