Ngayon ko lang narealize (Buhay Maynila)

Standard

Kagagaling lang namin sa Manila. Magulo. Maingay. Mainit. Ang bilis ng mga pangyayari para sa isang probinsyanong minsan lang mapadpad sa Capital. Kapag mabagal ka, mabilis kang maiiwanan. Relax lang kasi ang buhay dito katulad sa iba pang probinsya hindi gaanong nagmamadali ang lahat. Kahit madalang lang dumaan ang mga sasakyan dito ayos lang. Hindi katulad sa siyudad na parang lahat ng sasakyan ay gusto kang ihit-and-run. Tsaka ang mga busina. “Gumagana Manong!“. Tama na ang ingay kaya.

Dati gustong-gusto kong tumira sa Manila. Kapag kasi iniisip ko yun mga mall ang pumapasok. Ang mga malalaking building na malamig, madaming tindahan, maingay, masaya. Ito ang kinaginsnan ko dahil yun lang naman ang pinupuntahan naming dati. Gusto ko nga dating puntahan lahat ng SM sa buong bansa. Parang achievement na rin yun. Pero dati yun. Ngayon ko lang narealize na ayaw ko na. Sabi ko nga kapag nakatapos akong mag-aral babalik agad ako sa probinsya. Makikisiksik pa ako sa mga nagsisiksikan.

Isa pa ay madali akong mawawala. Takot akong magtanong. Complicated ang mga lansangan. Nakakalito, mukha kasi pareparehas ang mga building. Lahat mukhang matatanda at pwedeng bumigay kahit anong oras. Mausok pati. Sobra.

Maraming krimen. Makakatakot tuloy. Pwede akong manakawan ng mga malilikot na kamay kung tatanga-tanga ako. Kaya nga naisip ko, bakit ko pa kailangang bumuli ng mamahaling cellphone yung tipong S4 at Iphone 5 kung tatanga-tanga naman ako. Sayang ang pera tapos ibabandera ko pa sa mga PUV di lalo nang nanakaw. Maglalaro lang naman ako ng Candy Crush at magpapahiwatig na, β€œDaig kayo, bigtime ako!” Di bale na lang bibili na lang ako ng black and white na nokia. Parehas lang naman silang nakakapagtext at nakakatawag.

Pero naisip ko na mga magagaling ang taong Maynila. Umaangkop sila at street smart. Parang alam na nila ang kalakalan sa magulong mundo ng siyudad. Sanay sila? Inborn? Natutunan? Nagevolve? Ewan ko. Sila ang mga taong bumubo sa power grind ng Pilipinas ang mg matatag na pundasyon. Saludo po ako sa inyo mga Dre!

(P.S. Walang kwenta yung post. May maisulat lang.)

Advertisements

4 responses »

  1. Una sa lahat, interesante ang post mo Julius! πŸ˜€

    Mahirap ikumpara ang siyudad sa probinsya dahil magkaiba naman sila ng hinahandog sa ‘tin. πŸ™‚

    Panu ba, ako kasi probinsyanang tunay din! Di ko kinakalimutan kung san ako lumaki at proud ako dun! Napunta ‘ko sa Maynila para mag-aral at tama ka! Ambilis! Bumulusok ata ang aking pag tanda pagdating ko dito.

    Biglang naalala ko ang sabi ng Nanay ko na wag magtiwala basta basta. Wag Magbandera ng gamit. Wag makipag kaibigan (paranoid lang Nanay ko, hehe) etc. Pero ang masasabi ko lang, may mapupulot kang maganda at di maganda sa syudad; nasa sa iyo iyon kung anu ang gusto mong tanggapin. At di rin ibig sabihin na naging “street smart” kana e nakalimot ka na sa pag papakain ng mga manok sa umaga o di kaya e sa pagpapastol ng mga kambing. ‘Get the best of both worlds’ ika nga! πŸ™‚

    Masaya naman daw ako sa iyong pagbisita sa Maynila at sa pagmumuni muni mo sa mga bagay na inaalok nito. πŸ™‚ Sa susunod mong pagbisita, pasyal tayo sa mga Museyo dito!

    • Awwww. Salamat Ate Cecil!

      Siguro ganyan din ang sasabihin ng Mama ko. Kapit kamay pa nga kami kapag tatawid sa kalsad. Hahahaha. Gusto ko yung get the best of both worlds. Kapag diyan na siguro ako pumapasok tsaka lang ako masasanay sa mabilisang pagbabago sa mundo. Kaya habang nandito pa ako sa amin eh mag-eenjoy muna ako. Dahil baka diyan na rin ako magtrabaho. Madaming oppurtunities

      Masarap nagmuni-muni eh. Analyze and summarize. Hahahaha. Gusto ko nga po pumunta sa mga Museyo. Magmumuni-muni ulit ako

  2. “Gusto ko nga dating puntahan lahat ng SM sa buong bansa.” I feel you kiddo! Sabi ko noon sa pamilya’t tropa ko “pupuntahan ko lahat ng SM bago ako mag-25, dahil pag nagawa ko yun, parang nalibot ko na rin ang buong Pilipinas” pero nawala na rin ang interes ko. Naisip ko, mas makahulugang masaksihan ang lahat ng piyesta sa Pilipinas, kaysa puntahan ang lahat ng SM. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s