Usapang libro…

Standard

Mahilig akong nagbasa. Malamang estudyante ako eh at obligasyon ko yun kung hindi ay “bokya” ako sa mga pagsusulit. Pero ngayon idisregard muna natin ang mga textbooks, encyclopedias, dictionaries, almanacs, resibo sa PTA, etc. Kakaunti pa lang ang nababasa ko. As in, piling-pili dahil sa kanila lang ako nagkainteres. Puro tagalog po inyo at kay Bob Ong lahat. Minsan kasi may kaklase akong nagdala ng libro sa school ni Bob Ong yung ABNKKBSNPLAko. Syempre binasa naming at nagustuhan ko. Binasa namin hanggang dun sa high school part. Hindi ko parin yun tapos basahin.

Dahil dun nagresearch ako ng iba niyang mga libro dahil may bagong bukas na bookstore sa siyudad (Calapan City). Sabi kasi ng kaibigan ko nakakita daw siya dun ng libro ni Sir Ong. Goal ko na bilhin lahat ng libro niya kahit wala akong budget. Inaamin ko gusto silang ipagmayabang noong una! *evil laugh* Pero kalaunan hindi ko na sila pinagagalaw kahit kanino. Ayoko silang madumihan! Hindi ko pa sila nababasa lahat dahil busy ako (wew!?).

Noong Linggo ay natapos ko yung isa, “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan”. Astig. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Hindi ako gaanong natakot dahil hindi ko nakikita yung mga babaeng sinasapian pati na ang hinliliit na naputol (ouch!). Pero kung movie yun at mag-isa lang akong nanonood dahil mag-isa lang akong nagbasa ay EWAN ko na lang. Hindi siguro ako makakatulog dahil sa mga orasyong Latin na yun at sa mga weird na rebulto. Sa proseso rin ng akong pagbabasa ay nabasa yung likod nung libro (NOOOOOOOOO)! Nangulubot! Nakakainis! Naipatong ko sa basing lamesa.

Yung naman “Ang Paboritong Libro ni Julius Hudas” ay sinimulan ko nang basahin. Ito ang pinakapoor ang kondisyong libro ko. Nabasa. Basang-basa. Naging kulay itim na yung last page dahil nga nabasa. Kumalat. Pero nababasa pa naman kaya tinatiyaga ko na. Nabasa yun nung camping sa Boy Scouts sa Mt. Makiling. Hindi ko nailagay sa loob ng bag eh biglang umulan tumagos ang tubig sa tent at NABASA! Nanghihinayang talaga ako. Pero wala akong magagawa.

Kung sakaling matapos ko na yun lahat ay gusto kong bumili ng bagong libro. Yung tama lang, hindi kasing kapal ng dictionary (yung makapal na makapal). Madaling maintindihan dahil slow ako. Interesting, syempre. At higit sa lahat ay affordable. Hindi pa siguro para sakin ang mga Game of Thrones, Harry Potter, at iba pang mga makakapal na libro dahil nga madali akong tamadin. Mga bloggers, alam kong nagbabasa kayo ng mga libro dahil mahilig kayong magsulat. Any suggestions? Yung mura lang at maeenjoy ko.

Advertisements

8 responses »

  1. bob ong is for those na tamad o ayaw magbasa (according mismo yan sa publisher ng book nya/nila). kung nahihirapan kang tapusin ang isang bob ong book, for sure lalong di mo matatapos ang ibang libro. pero i suggest you read The Little Prince (antoine de saint-exupery) o Danny Champion of the World (roald dahl) o Search for Delicious (natalie babbitt) for starters.

    kung gusto mo ng tagalog o Pinoy books (which I highly suggest), start with Para Kay B ni Ricky Lee or Ang Mundong Ito ay Lupa ni Edgardo M. Reyes. Kung gusto mo ng komiks o graphic novel, try Mythology Class o kaya e After Eden ni Arnold Arre or yung ZsaZsa Zaturnnah (na sobrang nakakatawa sa komiks. pangit yung film) ni Carlo Vergara.

    Sorry, napadami. Enjoy reading. 🙂

  2. Puro makakapal ang alam ko kaya mahirap magsuggest pero ok yung suggestions ni Steno/Snap2104.
    Mas maganda if you challenge your self na magbasa ng mga librong higit pa sa level mo para mas madali nang magbasa ng mga easy read. Kung di ka pinipilit ng mga magulang or guardian mo na magbasa, wala ka nang aasahan kundi sarili mo. Kung di mo pipilitin sarili mo, magsusuffer ka later on.
    Ang utak parang muscle pag kulang sa exercise or pagbubuhat, hindi lalaki. Sabi nga nila “People are stupid because they don’t read or people don’t read because they are stupid.” Alam mo na! 🙂

    • Tama ka, June. Dapat i-challenge natin ang mga sarili nating subukang basahin ang mga book genre na hindi pa natin nasusubukan. Although papasok talaga dyan yung “preferences” natin sa type ng librong babasahin.

      Sang-ayon din ako na ang utak ay parang “muscle,” the more we work it out, the more it gets better. Kaya Julius, makinig ka kay Kuya June ha? 😀

  3. Julius, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa. Marami kang matututunan dyan. Pramis! 😀

    Para sa’kin heto yung mga dahilan ko kung bakit ako nagbabasa: http://seekersportal.wordpress.com/books-ive-read/top-10-reasons-why-i-love-reading/

    Heto naman ang mga librong nabasa (as in “read,” hindi yung “nabasa” na “wet” Hehe!) ko na
    http://seekersportal.wordpress.com/books-ive-read/

    Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-i-isa sa madaling tamaring mag-basa. Ako rin actually. Pero magandang disiplina ang pagbabasa. It increases our patience. Hehe!

    Pwede mo namang i-try ang mga techniques na ito kapag hindi ka nakakatapos mag-basa ng libro:
    http://seekersportal.wordpress.com/books-ive-read/cant-finish-a-book-try-these/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s