Monthly Archives: May 2013

Ngayon ko lang narealize (Buhay Maynila)

Standard

Kagagaling lang namin sa Manila. Magulo. Maingay. Mainit. Ang bilis ng mga pangyayari para sa isang probinsyanong minsan lang mapadpad sa Capital. Kapag mabagal ka, mabilis kang maiiwanan. Relax lang kasi ang buhay dito katulad sa iba pang probinsya hindi gaanong nagmamadali ang lahat. Kahit madalang lang dumaan ang mga sasakyan dito ayos lang. Hindi katulad sa siyudad na parang lahat ng sasakyan ay gusto kang ihit-and-run. Tsaka ang mga busina. “Gumagana Manong!“. Tama na ang ingay kaya.

Dati gustong-gusto kong tumira sa Manila. Kapag kasi iniisip ko yun mga mall ang pumapasok. Ang mga malalaking building na malamig, madaming tindahan, maingay, masaya. Ito ang kinaginsnan ko dahil yun lang naman ang pinupuntahan naming dati. Gusto ko nga dating puntahan lahat ng SM sa buong bansa. Parang achievement na rin yun. Pero dati yun. Ngayon ko lang narealize na ayaw ko na. Sabi ko nga kapag nakatapos akong mag-aral babalik agad ako sa probinsya. Makikisiksik pa ako sa mga nagsisiksikan.

Isa pa ay madali akong mawawala. Takot akong magtanong. Complicated ang mga lansangan. Nakakalito, mukha kasi pareparehas ang mga building. Lahat mukhang matatanda at pwedeng bumigay kahit anong oras. Mausok pati. Sobra.

Maraming krimen. Makakatakot tuloy. Pwede akong manakawan ng mga malilikot na kamay kung tatanga-tanga ako. Kaya nga naisip ko, bakit ko pa kailangang bumuli ng mamahaling cellphone yung tipong S4 at Iphone 5 kung tatanga-tanga naman ako. Sayang ang pera tapos ibabandera ko pa sa mga PUV di lalo nang nanakaw. Maglalaro lang naman ako ng Candy Crush at magpapahiwatig na, “Daig kayo, bigtime ako!” Di bale na lang bibili na lang ako ng black and white na nokia. Parehas lang naman silang nakakapagtext at nakakatawag.

Pero naisip ko na mga magagaling ang taong Maynila. Umaangkop sila at street smart. Parang alam na nila ang kalakalan sa magulong mundo ng siyudad. Sanay sila? Inborn? Natutunan? Nagevolve? Ewan ko. Sila ang mga taong bumubo sa power grind ng Pilipinas ang mg matatag na pundasyon. Saludo po ako sa inyo mga Dre!

(P.S. Walang kwenta yung post. May maisulat lang.)

Advertisements

Usapang libro…

Standard

Mahilig akong nagbasa. Malamang estudyante ako eh at obligasyon ko yun kung hindi ay “bokya” ako sa mga pagsusulit. Pero ngayon idisregard muna natin ang mga textbooks, encyclopedias, dictionaries, almanacs, resibo sa PTA, etc. Kakaunti pa lang ang nababasa ko. As in, piling-pili dahil sa kanila lang ako nagkainteres. Puro tagalog po inyo at kay Bob Ong lahat. Minsan kasi may kaklase akong nagdala ng libro sa school ni Bob Ong yung ABNKKBSNPLAko. Syempre binasa naming at nagustuhan ko. Binasa namin hanggang dun sa high school part. Hindi ko parin yun tapos basahin.

Dahil dun nagresearch ako ng iba niyang mga libro dahil may bagong bukas na bookstore sa siyudad (Calapan City). Sabi kasi ng kaibigan ko nakakita daw siya dun ng libro ni Sir Ong. Goal ko na bilhin lahat ng libro niya kahit wala akong budget. Inaamin ko gusto silang ipagmayabang noong una! *evil laugh* Pero kalaunan hindi ko na sila pinagagalaw kahit kanino. Ayoko silang madumihan! Hindi ko pa sila nababasa lahat dahil busy ako (wew!?).

Noong Linggo ay natapos ko yung isa, “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan”. Astig. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Hindi ako gaanong natakot dahil hindi ko nakikita yung mga babaeng sinasapian pati na ang hinliliit na naputol (ouch!). Pero kung movie yun at mag-isa lang akong nanonood dahil mag-isa lang akong nagbasa ay EWAN ko na lang. Hindi siguro ako makakatulog dahil sa mga orasyong Latin na yun at sa mga weird na rebulto. Sa proseso rin ng akong pagbabasa ay nabasa yung likod nung libro (NOOOOOOOOO)! Nangulubot! Nakakainis! Naipatong ko sa basing lamesa.

Yung naman “Ang Paboritong Libro ni Julius Hudas” ay sinimulan ko nang basahin. Ito ang pinakapoor ang kondisyong libro ko. Nabasa. Basang-basa. Naging kulay itim na yung last page dahil nga nabasa. Kumalat. Pero nababasa pa naman kaya tinatiyaga ko na. Nabasa yun nung camping sa Boy Scouts sa Mt. Makiling. Hindi ko nailagay sa loob ng bag eh biglang umulan tumagos ang tubig sa tent at NABASA! Nanghihinayang talaga ako. Pero wala akong magagawa.

Kung sakaling matapos ko na yun lahat ay gusto kong bumili ng bagong libro. Yung tama lang, hindi kasing kapal ng dictionary (yung makapal na makapal). Madaling maintindihan dahil slow ako. Interesting, syempre. At higit sa lahat ay affordable. Hindi pa siguro para sakin ang mga Game of Thrones, Harry Potter, at iba pang mga makakapal na libro dahil nga madali akong tamadin. Mga bloggers, alam kong nagbabasa kayo ng mga libro dahil mahilig kayong magsulat. Any suggestions? Yung mura lang at maeenjoy ko.

Ang tagal na ha!

Standard

It has been a while. I had been busy, I think. Nilamon ako ng katamaran. Parang ininjoy ko na ang bakasyon. May mga binalak akong isulat pero hindi matapos-tapos. May na gagalit kasi dahil mabagal daw ang connection. Mahirap na ayaw kong mapagalitan kaya minabuti kong wag na munang magblog. Wala rin naman akong magandang topic na gagawan ng post. Magrereklamo lang ako sa eleksyon, babatikusin ang Taiwan, at magmamagaling na naman. Nauubusan din ako ng opinion dahil pareparehas lang ang atake ko sa kanina.

Pero namiss ko si Mang WordPress at ang blog kong wala gaanong bumubisita. Walang bago eh. Ang alam ko lang ay malapit na ang pasukan at excited na akong mag-third year! I will enjoy it to the fullest. Minsan lang ‘to di ba? Nakaenroll na ako and it was a breeze dahil mabilis lang. Masyadong busy ang mga guro sa Brigada Eskwela kaya pumpirma na lang sila sa enrollment form. Alam na naming ganito ang senaryo kaya take advantage agad. Unti-unti nang gumaganda si Inang paaralan. Dilaw na dilaw na siya! Parang may halong pulitika ‘to ah? O di naman kaya ay favourite color lang ni Madam Principal? Di ko alam.

Namiss ko ang lahat sa paaralan. Excited na talaga ako. Ang mga adventures na uukitin naming ng mga kaklase ko ay magiging epic! Kahit nababawasan kami dahil sa mga kasumpasumpang paglipat ng school ay alam kong maging masaya parin kami. Hay. Time really flies. Parang kahapon lang ako kumuha ng entrance exam eh. Tapos 3rd year na agad kami!

Bukod sa enrollment ay pumunta rin kami sa siyudad nung isang araw. Namili ng school supplies at nagliwaliw. Nakakabaliw ang mga pangyayari. Parang roller coaster! Nagalit, humalakhak, nainip, matuwa, namroblem, etc. Ang gulo talaga pag namimili. Matagal at nakakainip. Sunod lang kami ng sunod kung saan pupunta. Bumili rin kami ng sandamakmak na papel at dahil dito napagalitan kami. 40 pad ba naman ang bilhin? Ano di lang nakakita ng papel? Magtitinda lang sa bangketa? Ang bigat-bigat pati. Nakakasura eh. Nagsisi ako kami.

Noong kumain kami ang matindi. Pangalawa yun sa pinakanakakahiyang nangyari sakin bukod sa lecheng dance number ng gangnam style. Bakit pa nauso yun? Bwisit eh. Take note napilitan lang ako nun. Balik tayo, kakain kami sa Irog dahil ang sarap ng iba dung pagkain, iba lang ha. Mga 11 ata yun. Umorder kami at nag-intay ng 20 minites dahil sa slow na cashier. Nayamot ang mama dun dahil ta*****-t***a daw. Di kasi agad sinabi na mag-iintay pa, tsaka lang sinabi nung bayad na. Kaya wala kaming nagawa kung di mag-intay. Matagal pero ayos na.

Malapit na akong matapos. Pinakuha kami ng tubig. Pinatong ko ang towel ko sa lamesa at nagpatuloy sa pagkain. Hinigit ko si towel para magpunas nang, “Blag!”. Basang-basa ang short ko! Nabubo ang baso! Nasalo pa ng hita ko yung baso, may laman pa. Nagtinginan syempre ang mga tao. Ako naman punas-punas lang at tawa dahil dark blue ang short ko. Kala ko di halata. Inubos ko pa nga yung pagkain ng mama. Tinatawanan ako ng mama at kapatid ko. Nakikitawa na lang ako. Noong tumayo na kami tsaka ko lang napansin na pati ang likod basa. Sura! Halatang-halata! Para akong nagIHI! Nakakahiya. We ended up buying a Php 375 short. Ang sikip pa (-_-)

Inisip ko na lang na wala namang nakakakilala sakin dun. Tsaka icebreaker na rin yun. Nadala ako dun. Hindi na ako uminom ng tubig ulit nung araw na yun. Pag minamalas nga naman oh.

Sa susunod mga pangyayari naman sa school ang idedetalye ng iyong lingkod. Yung mga worth telling lang naman. Hindi ko ‘to gagawing diary. Kamusta mga bisita? Matagal-tagal na rin.

 Ikaw, nangyari na ‘to sayo? Ang mapahiya sa maraming tao?

Kwentong…

Standard

Hindi parin ako makaget-over. Ewan ko. Gusto kong bumalik sa Geo-Marine Science Camp. Pero tapos na eh kaya aalahin ko na lang ang mga memorable moments 🙂

+ Mga pool momments. Tambay. Kain. Picture. Hindi na miss yun dahil hindi ako nakaligo. Ayaw kong mag-uwi ng mga basang damit kahit dyan lang sa tabi-tabi ang amin. Ay madagdagan pala. Ang daming naliligo gabi-gabi. Hindi ako nainggit! Hahahahaha941971_554630227922351_222314557_n

+ Hindi ko makakalimutan ang pagkain ni sir Marc nang di nagbibigay ng stab. Paano? Hinahalo daw niya yung lalagyan sabi ni Ashley. Hahahahaha

+ Bukod kina Ate Pammie at Kuya Justine ay may mga nabuo ring mga “Lab Team” na hindi na natin papangalanan. Hindi talaga ako sure pero ramdam ko eh. Clue, campers sila. Hulaan niyo!

+ Ang nabubong buhangin ni Ate Tatum. Bow. Malas yata yung group namin dahil sa di inaashang pangyayari ay naubos ang isang bote ng buhangin ni Ate Tatum. Tandaan iiyak na si Ate Tatum kapag pati ang Spain labeled sand ay nabubo.

+ Ang mga ‘Happy Birthday blows‘ ni Ate Ii. Nahirapan ako dun sa pagtatanggal ng tubig sa snorkle. Nataon pang may sipon ako nung mga panahong yun kaya “Eewie!” sa mask. Di na lang ako nagpahalata. Ewan ko kong may nakahalata kaya ‘shuush‘ na lang tayo ha. Mam Alette nahalata niyo?

+ Sino namang makakalimot kay Bernard? Ang tubong Pili NHS na tahimik pero kapag nagsalita na ay nakakabilib!  Astig! Group 3 yun ha! Ako naman sulat-sulat na lang. Wag na yang public speaking and what not na yan.

+Ang Dance Central. Go,go,go Ate Pammie at Ate Cat! Show us the “Da Moves“! Enjoy naman sa libangan niyo. Masaya kahit nakakapagod.

+ Gyomi nina Kuya JK at Klenton. Hahahahahaha943604_10200624403066990_2059619592_n

+ Nakakadal talaga ang tawa ni Ate KC! ” Nakakainis ang tawa ko”. Hindi Ate KC, nakakadala at cute.

+ Ay yung mga Kaloka Likes! Hawig naman kahit papaano. Smile!936748_3002908049772_1382605415_n-tile

+At ang inspiring presentation ni Sir David. I felt very honored na nasaksihan ko yun. It inspired me to not be afraid to express. That’s why I continue writing. Kahit papaano nakakita ako ng lecture na pang UP. Masaya na ako dun. Thank you Sir! Wait lang, ito naman si Sir Hernandez papikit-pikit na. Sir gising! You’re missing the good part!

Memorable? The bond and friendship that blossomed from all of this. Ang sama naman siguro kung mag-isa kang nagcacamp di ba? Ikaw ang palaging tatanungin, mageevalute, magbibigay ng insights, improvements, at magFefellowship Night nang mag-isa. Lonely. Ang dami pang pressure, malamang mag-isa ka eh. I didn’t expected any of these but I’m grateful that it happened.308640_465327666871174_308173610_n

Ikaw anong kwentong Geol, MSI, at SEI mo?

Mga tanong ko? (politics)

Standard

Senate-race-20132

Hindi pa ako pwedeng bumoto, unfortunately. At dahil dun wala akong karapatang magreklamo. Pero ang dami ko talagang katanungan sa larangan ng pulitika. Nahihiwagaan parin ako sa kalakaran ng kakaibang mundong ito na nagpapatakbo ng lahat sa paligid ngayon.

Gusto ko sanang simulan sa tanong na “bakit may pulitika?” kaso ayaw ko. Masyadong obvious at mahirap nang magtanong kay manong wikipedia dahil kakaunti lang naman ang alam ko sa pulitika at ang mga pasikot-sikot. Sisimula ko na lang sa mga napapansin ko ngayon, sa mga balita.

Death threats. Ay hindi lang pala death threats patayan na. Ano ganun ba kahalagang manalo? Kailangang magpatayan? Parang kakambal na yan ng pagkandidato eh. Nakakabahala rin naman dahil maya’t-maya na lang ay may tinambangan, binaril, binato ng granada, nagtakutan sa tweeter, bunully at kung anu-ano pang klase ng pagbabanta. Ano kinareer lang ang pagtumba ng kalaban? O sige sabihin nating kapag may napatay ay may papalit sa pwesto noong namatay eh ibig sabihin ubusan ng lahi? Magcounter na lang kaya kayo para masaya? Nakakabagabag kaya!

Labasan ng baho. Bakit kung kailan malapit na ang eleksyon ay tsaka naman labas ng kung anu-anong papeles na nagsasabing nangurakot si ganito, hindi ideneklara ni ganyan ito sa SALN, epal si ganito, bad breath si ganyan. Ano, ngayon lang nalaman yan ganyan kung kailan malapit na itong si eleksyon? Hindi mo ba alam na mas nakikilala yang mga naiissue dahil kaliwa’t-kanan ang free advertisement sa mga news network? Aba gusto mong matalo? Sige tuloy mo lang yan. Kung maglalabas ka nang baho yun matindi hindi yung mga undeclared properties dahil madali lang yang gawan ng palusot.

Dynasty. Na kailan lang naging maugong dahil sa mga paandar ng mga kadidato para siraan yung iba. Bakit kailangang maging family affair ang pulitika? Para madaming sakop? Madaming power? Di ba “One is enough, two is too much” at dinagdagan pa ng Lola ko ng “Three is poison!“. Baka malason kayo niya! Dagdagan mo pa ng “Family Feud“. Sila-sila rin ang naglalaban laban at nagsisiraan. Di ba dapat happy family? I have nothing against political dynasty as long as ayos naman ang pamamalakad nila. Ano bang magagawa natin kong sila naman ang karapat-dapat diba?

Campaign budget. Ang daming pakulo at kung anu-anong advertisements. Bakit hindi magkaroon ng limitasyon ng campaign budget ang COMELEC? Hindi ba sila nanghihinayang sa pera? Kahit pa sabihing donation at galing sa sariling pera yan ay nakakapanghinayang ding gumastos ng gumastos tapos biglang talo? Ang daming factories para sa candy, pamaypay, ballpen, cap, at kung anu-ano pa. Magdonate na lang kaya kayo? Tsaka na maglibot sa Pinas kapag retired na.  Suggest lang naman yan. Peace!

Bakit ba ako nakikialam sa mga matatanda? Bakit ang dami kong tanong? Bakit? Dahi,dahil,dahil…………….. gusto kong makialam. Gusto kong masagot ang mga tanong ko. Educate me! Gusto kong matuto!

Hindi naman ako nagrereklamo, nagtatanong lang.

Geo Marine Science Camp 2013 (The Best!)

Standard

Ilang araw din akong nawala sa aming bahay. Nagpunta sa lugar na di na rin iba sa akin, ang Barangay San Isidro o White Beach para sa mga turista. Ang daming beses ko nang nakapunta rito lalo na tuwing summer. Naliligo sa dagat, kumakain, nag-aabang ng artista. Pero ngayon pumunta ako dun dahil sa mas malalim na dahilan, para matuto. Umatend ako ng Science Camp. Hindi lang basta Science Camp kundi Geo-Marine Science Camp. Mga ates at kuyas ng DOST-SEI, UP-MSI at UP-NIGS ang maypakana.

535675_4681724489723_1070209125_n

Expectations nung una kong narinig? Boring, puro lecture, presentations, at wala akong magiging kaibigan. Honestly yan talaga ang first impression ng isang tulad ko na sobrang bilis mabagot tulad ni kuya Bagotilyo. Wala magawa eh masyadong tamad kaya yun ang first impression, pasensya. Pero nakaramdam ako ng kakaibang excite (Oh ha!) nung alam kong pinili ako kami. Kaya nga nagresearch ako kahit papaano, warm-up kung baga.

Pag karating namin binigyan kami ng bag. At wag ka customized pa, pasadya yata tapos nakalagay ang pangalan at school sa likod! Ang daming gamit sa loob nandun na rin ang programs at lahat ng mga kailangan. Una pa lang pasabog na! Sa accomodations naman, Perfect 10! Hindi masyadong masikip yung tipong tama lang para sa 8 tao. Masarap ang pagkain at may music pa habang kumakain. Astig ang organizers!

Marine Camp

Lectures? Sobrang saya! Hindi lang plain “Blah,blah,blah,blah,blah” ang mga speakers dahil ginagawa nilang interesting dahil ng mga laro. Katulad noong “You are what you eat” na may participation ng lahat. Naassign akong zooplankton at sa kasamaan palad nakain daw ako ng isda kaya *swooosh* tanggal na agad ako. Patayin ba naman agad? Ganito ang daloy nun, binigyan ng papel ang mga tao tapos ipoportray nila yun halimbawa ay dinoflagelates, tahong, human, etc. Dun sa mga hindi nakakagets ay amin na lang yun. Basta ipinapakita dun ang effects ng red tide. Imagine niyo na lang. Masyadong mahaba kung ikukwento ko.

Perstym kong makagamit ng GPS sa Marine Camp. Isinalang kasi agad ako ni Kuya Patrick sa hot seat eh. Pressured ako dahil baka magmukha akong *ubo* tanga. Bukod pa dun ay wala akong pangbayad sa GPS kapag nasira ko. It was a learning experience naman. Sila naman ay humawak kay baby Infinity na kasindakdak ay Php 1.2 m na ang mga hapon ang maintenance officers kapag nasira. Nakita rin namin ang sikat na si Plankton ng Spongebob Squarepants na isa palang “copepad” ayon kina Kuya JK.

Tinuruan naman kami nina Mam Alette and friends (pasensya na po at ako’y nalilito  sa mga pangalan) ng basic ng snorkeling na isa sa major contributor kung bakit nadagdagan ang layer ng maitim kong balat. Wala eh, masaya eh kaya tiis muna sa kulay. Wa epek yung sunblock ni kuya Gelo.

Yung sunod na araw ang araw na natusta na ako nang todo. Maghapon ba namang nasa dagat ay ewan ko na lang. Perstym kong lumangoy ng malalim sa coral exposure namin. Inam ang lalim eh yung tipong sobra talagang lalim. May mga nagpahila na lang nang nagpahila sa facilitators tulad namin. Ang sarap kayang tumingin sa ilalim ng dagat lalo’t matalino, mababait, magaganda’t gwapo ang mga facilitators mong kasama, try mo!

Nakakahawa ang saya ng mga facilitators. Halatang ang tagal na ng kanilang pinagsamahan. Parang ang dali nilang mapasaya pero pag nagsalita na, ay wag ka alam na alam na matatalino. Madali pang lapitan at kalog. Yan ang maganda sa mga facilitators!

941652_622519071111424_1765094648_n

With UP-MSI

Geo Camp

Ang 2nd part ay ang Geo Camp na punong-puno ng games. Ang daming icebreakers. Gusto ko rito yung pag eemploy ng badge system. Mas magiging competitive ang mga participants at madami pang chances para mag-earn nito dahil nga sa dami ng activities. Ibig sabihin kailangan mong nakinig lagi at magparticipate kong ayaw mong mapag-iwanan ng iba. Thumbs up Geologists!

Geology? Unang pumasok sa average kong utak ay bato. Igneous, sedimentary, at metamorphic rocks. Buong akala ko bestfriends na kaming apat, yun pala mga adress lang nila ang alam ko. Probinsya at lugar nang kapanganakan. Akala ko matagal na naming pinag-aralan ang mga bestfriends ko sa earth science namin yun pala wala pa sa kakaunti. Bakit ko nasabi? Ay dun pa lang sa presentation ni Ate Tatum ay lugaw na ako eh. Sobrang daming kailangang alamin. Noong mga panahong naglelecture siya ay batong-bato na ako dahil sa mga bato. Sinabi ko na lang sa sarili kong, “HOY, sumulat ka! Nakakahiya ka kapag nakatulog ka ngayon, malapit ka pa naman sa unahan.” Pero it paid off naman kahit papaano. Nakascore ako ng 14 sa exercise at madami akong natutunan. Wag niyong pansinin yung score dahil mag-isa lang akong nagsasagot na paminsan-minsan ay tumitingin sa katabi *evil laugh*. Karamihan sa kanila ay groupings all the way (napansin ko lang ha).

Madami din akong natutunan sa identification of minerals kahit litong-lito talaga ako nung simula. “Ano daw?” (habang nakakunot ang noo), ang nasabi habang nagpapaliwanag si Kuya Dale o Jeremy ata yun (magkamukha sila para sakin). Pero nanalo naman kami sa nakakastress na flow chart na yun kahit papaano.

Sa field activities naman ay nagustuhan ko yung sand appreciation dahil nahawakan ko ang Spain at unfortunately nakita lang ang Hawaii. Buhangin yung tinutukoy ko ha. Thanks Ate Tatum! Nga pala ewan ko pero na-aastigan at nababaitan ako kay Ate Tatum. Bukod kasi sa paglilibre niya sa amin ng halo-halo (napasubo yata siya dahil medyo mahal) ay gusto ko yung dedication niya sa pagtuturo samin. Ang hahaba pa mandin ng mga natotoka sa kanya.

921080_3002807247252_240614292_o

Field Activities with UP-NIGS

May secret love team din pala. Ang galing niyo hindi ko nahalata yun ah. Ate Pammie at Kuya Justine ha. Hahahahahahaha. Sa Facebook ko lang nalaman. Bakit di kayo sweet? Hindi ba ako ganun ka galing mag-observe o pinili niyo wag maging showy? Hindi naman nakakagulat dahil bagay sila! Naks!

oOo

UP-MSI binago niyo ang tingin ko sa harapan ng bahay namin. Nagkaroon ako nang mas malalim na kaalam at pang-unawa sa mga childhood adventures ko sa mga batong lumilitaw kapag low tide sa tabing dagat namin. Gusto ko itong pangalagaan dahil madaming dumadagsang basura sa aming lugar. Patuloy na umuunti ang mga nangingisda sa amin. Lalo kong naapreciate ang Puerto Galera. Maraming salamat po. (Tinatamad akong isa-isahin ang mga facilitators.)

UP-NIGS, someday makakapunta din ako sa inyo at hopefully maging parte 🙂 Maraming salamat po sa pagbabahagi niyo ng oras niyo sa aming mga aspiring scientists. More power kina Ate Pammie at Kuya Justine! LOL!935610_554603454591695_792184493_n

Gusto ko sanang ikwento lahat pero tinatawag na ako ni KATAM eh baka hindi pa matapos ngayon. Ang tagal ko talagang magsulat! Ok heto na, sa kabila ng mga napanis na pagkain, late na attendance, di mabilang na pagligo sa pool, mga moments na batong-bato, sobrang pagod, dance central sessions, at napakaraming picture taking sobrang nag-enjoy ako kaming lahat sa Geo-Marine Science Camp! Sulit po ang mga efforts niyo dahil madami sigurong kukuha ng mga science related courses at kasama na ako dun! Continue to inspire others!

TV Shows I Like!

Standard

Bago ako magsimula, medyo baliw ano? English ang title tas tagalog ang body. May sapak eh walang magagawa. Nga pala International shows ang tinutukoy ko rito. Yung mga Kano ang bida. Sa kanila ako humuhugot ng paEnglish-English ko. Mayroon akong mga inaabangan meron din namang nadadaanan kapag naghahanap nang magandang channel.

Magsimula tayo sa inaabangan ko. “Melissa and Joey“. Natyempuhan ko lang ‘to minsan tapos lagi ko nang inaabangan. Yung story pa lang astig na! Isa ‘to sa mga programs na natatawa ako kahit English. Kalimitan kasi hindi ko nagegets ang mga punchline ng mga Kano dahil tungkol sa mga bagay na hindi ko alam. Mapa-artistang ngayon ko lang napakinggan ang pangalan at mga terms na para lang talaga sa mga banyaga. Siguro nakakadagdag yung mga taong tumatawa sa experience. May pakiramdam akong may gusto si Melissa kay Joey. Tingnan natin.MAJ_SinglePg_KA.indd

Kasunod nun ay “According to Jim“. Napinapalabas pa rin sa Star World. Ngayon ko lang nalaman na noong 2009 pa ang huling air nito. Kaya siguro medyo old fashioned ang simula. Dito ako sobrang tumatawa. Basta nakakatawa! Nakakatawa talaga! Kalimitang kasunod ito ng “Melissa and Joey” dahil tuwing umaga ako nanonood. Tama nga Laughter Party!

Isisingit ko ang “Fairy Tail” dahil sinusubaybayan ko yan. Alam kong sa mga Hapon galing yan pero English ang salita eh tsaka International naman. Naastigan ako katulad nang pagkaastig ko sa Naruto. Ang galing talaga ng mga Hapon! Epic ang mga labanan at tsaka may humor din. Gusto ko yung concept na wizards. It defies the concept of Gandalf and friends pati na sina Harry Potter. Sandali lang ha, hindi ang mga exaggerated na itsura ng mga babae dun ang isa sa mga dahilan kung bakit ko yun sinububaybayan katulad ng ibang anime.

FAIRY-TAIL-fairy-tail-30275656-1911-1088 - Copy

Ang kasunod na group sa mga inaabangan ko ay ang mga kapag-nadaan-mo-wala-nang-lipatan na mga programa. Kapag sinuswerte natataong wala ibang maipalabas kaya may marathon ng episodes. Wala talagang lipatan kapag ganyan. Tapos ang ikli pa ng mga commercials di katulad sa mga ABS-CBN at GMA na yan. Yahoo!

Una na diyan ang “The Voice”. Gustong-gusto ko yan dahil ibinabase sa boses ng mga contestants ang desisyon at hindi sa itsura. Tapos may battle rounds pa as in duet. Mas nagagandahan ako dito kesa kay Lolo “American Idol” kahit third season pa lang. May thrill at ang ganda ng production. Naeexcite ako at napapangiti. Putik namimiss ko yung dating mga mentors.

voice

Pasok din dito ang mga walang kamatayang cooking competitions. Iba’t-ibang Masterchef series, Seasons ng Hell’s Kitchen, Around the World in 80 Plates, The Next Great Baker, Worst Cooks in America, Top Chef, at ang cooking version ng “The Voice“, ang “The Taste“. Oh ha! Ang hilig ko kasi sa pagkain.

Wag nating kalimutan ang Glee! Ang gagaling nilang kumanta. Ang diverse ng mga characters. Dito ko mas nalaman kung paano ang kalakaran sa paaralan sa ibang bansa. Ay ganun pala! May level ang popularity at discreminations sa ibang estudyante. Hindi ko pa rin siya gaanong gets ngayon. Nakakalito pa rin. Ibang-iba sa Pinas! Pero gustong-gusto ko itong panoorin kahit hindi kapaninipaliwala na basta na nagmumusical number ang mga tao sa hallway na may choreo at background music pa.

glee2

Nanood din ako ng mga educational tulad ng mga shows sa Discovery Channel at National Geographic. Life on other planets ang favorite ko. Yung mga tanong na, “Bakit tayo nag-iisa?“, “Kung meroon man buhay sa ibang lugar may olympics ba sila?“,”Kung meron magkakaroon tayo ng inter-planetary olympics?”, “Sasakupin ba nila tayo kapag natalo natin sila?“, “San ako magtatago!?“. Nakakamangha kasi ang mga ginagawa ng mga scientist natin para lang mapatunayan na may buhay sa mga maliliit na tuldok sa langit na nakikita natin. Masyadong maeffort!

Ikaw anong favorite shows mo?

(P.S. Gutom ako ngayon sino manglilibre? Hahahahahaha)