Me and My Stupid Imaginations…

Standard

Ayokong matagal na gising sa gabi kapag nakahiga ako. Kung anu-ano kasing pumapasok sa isipan ko. Hindi ako green minded, iba ang ibig sabihin ko. Bago yun sasabihin ko munang mahilig ako sa movies. Mahilig ako sa Sci-Fi, Fantasy, Romance, Romatic Comedy, Comedy at marami pang iba. Ang pinakaayaw ko ay ang Horror. Ito ang dahil kung bakit hindi ako nakakatulog minsan dahil kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko at naala ko ang mga scenes.  Kusa ito nangyayari sa akin at hindi ko mapigilan kaya madalas na nagbabalot ako ng kumot at nagtataklob ng unan. Iba pa ito kapag kumakain ako at nakakita ang ako ng mga nakakabagabag na mga scenes.

(Habang sinisulat ko ‘to ay nagbubutil-butil ang pawis ko kaba dahil kung anu-anong tunog ang naririnig dahil mag-isa ako sa bahay.)

Bakit nga ba kailangan pa ng Horror? Bakit may Horror? Kung sino mang may malikot na utak na nakaisip  na isapelikula ang mga nakakatakot  na mga kathang ito ay “Curse you!”. Hindi ako natutuwa sa mga dugong tumutulo, lamang loob at iba’t-ibang uri ng pagpatay. Siguro iinisip nila na “ The bloodier the better” pero nagtatanim naman ito nang takot sa mga taong katulad ko.

Kapag biglang may lumagapak asahan mong titigil ako sa paghinga sa sobrang kaba. Parang lalabas ang puso ko at iiyak sa isang sulok. Lumaki ako sa mga kwento tungkol sa iba’t-ibang aswang, lamang lupa at incounter  ng mga natatanda sa mga mahihiwagang nilalang. At kadalasan kong naririnig ang mga yun sa mga panahong walang kuryente dahil yun ang pangpaantok. Takot ako sa dugo .

Noong Grade 6 kami madalas pagkatuwaang manood ng mga Horror at Suspence movies. Enjoy na enjoy sila sa mga nangyayari habang ako hindi makatingin dahil maaalala ko na naman yun. Ayaw ko kasi ng pakiramdam na takot.

Takot din ako sa lawak nang kakayahan ng tao. Lalong lalo na ang mga karumal-dumal na krimen. Maalin sa mythical creatures at kriminal ang pumapasok sa isipan ko sa madidilim at takimik na gabi. Mas tumitindi pa ang takot ko kapag nakakapanood ako ng SOCO o Criminal Minds. Feeling ko kasi ay pwedeng akong patayin nang biglaan, sa isang iglap.

(Sa parting ito panay ang tingin ko sa pinto at pataas nang pataas ang kaba ko.)

Sa tuwing kumakahol ang aso ay kumakabog na ang dibdib ko. “ ANO YUN?”, yan ang sinasabi ko lalo na kapag may gumgalaw na ilaw sa labas. Ang masama pa roon lalong tumtindi ang takot ko at hindi ako nakakatulog. Torture!

Siguro kapag manood ako ng Horror sa sinehan nakapikit lang ako at umiiyak. Aatakihin ako sa puso.

(P.S. Walang pictures dahil mamatay ako sa takot dito)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s