Bomba sa kubeta

Standard

Ang klasrum namin ay isa sa mga tagong klasrum sa school namin. Kapag umuulan at walang kuryente halos di ka na makakita sa dilim. Pero may advantages, di kami madaling nasisita, isolated kami mula sa mga epal na tambay nang tambay kung saan-saan at higit sa lahat may sarili kaming mundo. Una lagi akong dumadating sa room at laging madilim pa. Hindi pa agad binubuksan ang room dahil sabi ng maganda naming adviser ay hindi nakakapaglinis nang maayos dahil naggagawa ng assignment. Kaya ang tambayan kapag maaga pa ay ang parteng malapit sa CR.

Asahan mo ng may mga taong naggagawa ng assignment, nakikipagkwentuhan tungkol sa mga teleserye kinagabihan, audience impact sa mga naglilinis, nagsasalamin, nagrereview at iba pa na pwedeng gawin. Malinis naman yun kapag nililinis, pero kapag tumagal-tagal ay para nang ginawang bahay ng baboy sa dumi! May umiihi sa sahig, pinagpuputik ang sahig at may magmimilagro!

Nga pala sira ang lock ng CR namin kaya lagi itong bukas. Nababalitaan yata ito ng ibang years kaya minsan ay may sisigaw na lang ng:

S1: May bomba na naman sa CR! (nangdidiri)

S2: Eh? Kami pa naman ang cleaners dun!

S3: Uy SSG ka di ga? Dapat magkaroon ng batas na illegal possession of fire arms!

S2: Oo nga lagi na lang eh!

S1: Dapat malagyan na yan ng padlock.

Hindi na bago sa amin na may ganun dahil once a week yata yun, pero luckily di pa nangyayari sa aming grupo yun. Lucky! At kalimitang mga Grade 7 ang nahuhuling gumagamit.

S1: May tao sa CR! Grade 7 yata.

S2: Ihing-ihi na ako!

(Lumabas yung Grade 7)

S1: Ang baho!

G7: Barado nga… (hindi magkaintindihan habang pawisang-pawisan)

S2: Barado naman ang CR! May tumaeng Grade 7!

(hiyang-hiyang umalis yung Grade 7)

Hindi ko alam pero parang naging harsh sila dun sa bata. Di lang naman niya kinayang pigilan ang tawag ng kalikasan eh. Bwahahahahahahahaha! Kahit ganun atleast may excitement every once in a while!

Yaan ang mahiwagang CR. Wag niyo na lang pansinin ang mga kaklase ko. Yung dilaw na parang pader sa right ay yung hagdan. Oo, nasa ilalim ang klasrum namin.

Yaan ang mahiwagang CR. Wag niyo na lang pansinin ang mga kaklase ko. Yung dilaw na parang pader sa right ay yung hagdan. Oo, nasa ilalim ang klasrum namin.

Advertisements

2 responses »

  1. Hahaha! Naalala ko nung high school ako kapag may jumebs sa school ibinabalita sa buong year level. Sabay cheer at palakpak! Hindi naman mali ang jumebs sa school, kung tutuosin normal yan diba? Malinis naman ang CR namin, halos kada oras nililinis ng ‘maintenance’ pero sadyang matindi lang talaga ang peer pressure noon. 🙂
    Kaya pag di ko na kinaya, tumatakbo pa ako papuntang CR sa gymnasium, kung saan walang gaanong tao or walang mga high school students. 😀
    Kakatuwang post to Julius!

    • Salamat sa pagbabasa! Oo nga wala namang mali dun pero nakakatawa talaga! Ang mga reakston kasi ng mga kaklase ko ay nakakatawa. Parang hindi sila jumemebs.

      Ang matindi kasi pagnalaman nilang isa ka sa mga salarin, ay pag-uusapan ka at pagkakatuwaan. Ang hirap nun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s