Home Alone!

Standard

Habang sinusulat ko ‘to walang tao sa bahay maliban sa akin. Kawawa naman ako, iniwanan ng mga tao. They have their own agendas, unfortunately mine is staying at home. Tagabantay lang. Wala kasi akong thrilling event na pupuntahan na kasabay ng kanila.

Ang Papa ko ay nasa barko. Seaman. Pero sa totoo lang hindi ko alam ang kanyang job description. Ang alam ko lang ay nasa barko siya. Matagal na siyang nandun pero 8 months lang ang kontrata niya at 4 months vacation na kalimitang naeextend dahil sa mga di malamang dahilan. Nasanay na ako na summer vacation o start ng school year siya dumadating. Nandun siya para suportahan ang pangangailangan namin like other OFWs. Hindi kami mayaman, marunong lang sigurong magimpok ang mga magulang namin. Sabi nga pag may isinusok may madudukot. Hindi ko alam kong kailan ulit siya babalik dahil mahal ang tawag at text overseas. Wala akong load at walang panload.

Ang Mama ko naman ay nasa lupain ng mga kangaroo, sa Australia. Wag kayong excited, hindi siya ang nagbayad ng pamasahe. Libre yata yun ng Ninang ko na marami ng utang sakin dahil minsan lang siyang umuwi sa Pinas. Sa kasamaang palad hindi ako nakasama at pinasama dahil sa kakulangan sa papeles at wala kaming pera. Kaya ayun, maya’t maya ay may uploaded picture sila sa Facebook. Nasa zoo, aquarium, spa, beach, restaurant at marami pang iba na ayaw ko ng dagdagan dahil lalo lang akong naiingit. Siguraduhin lang ng Mama na may pasalubong ako eh.

Sino siya diyan? Hulaan niyo.

Sino siya diyan? Hulaan niyo.

Ang mabait (joke) kong kapatid ay nasa Leyte specifically sa Ormoc City. Umaatend ng National Schools Press Conference kasama ang mapakaganda namin School Paper Adviser na si Mrs. Amelia J. Garcia. Tinatanong mo kong bakit di ako kasama? Eh wala eh hindi ako biniyayaan nang kagalingan sa pagsusulat. Pero masaya na rin ako para sa kanya. Atleast kahit Grade 7 kasama na agad sa NSPC. Surprisingly, oo Grade 7 palang yun at second choice niya noong RSPC ang napanalunan niya. Siguro ay dahil na rin lagi niyang inaagaw ang remote para manood ng sports kaya ayun Sports Writer ang kapatid ko. Nahihili man ako ay ipagdadasal ko na lang na manalo siya. Champion agad!

RSPC. 2nd place, Sports Writing English

RSPC. 2nd place, Sports Writing English

 

Pero kahit wala sila ngayon dito ay nageenjoy pa rin ako dahil sa dami ng gawain. Winawalisan namin ng pinsan kong tubong Valenzuela ang buong paligid. Ever summer siyang nandito at sinasamahan ang mga Lolo. Maliit pa yun pero sanay na dito. Sinusuot pa nga niya ang mga long shorts ng Lola na sobrang old fashioned. Nakakatawa talaga. Dinidiligan ko rin ang mini farm ni Lolo na sa tingin ko ay pinakamahirap sa lahat ng gawain ko. Tapos sinasabayan pa ng init ng araw. Unti-unti ko nang naaapreciate ang mga gawaing bahay na araw-araw gingawa ng Lola. Ang hirap din pala. Aproximately 2 hours ang shift ko na  nadadagdagan pa paminsan-minsan. Hindi ko na kailangang gumala at magparty dahil masaya na ako sa daily routine ko sa ngayon.

Gusto kong maging productive ngayong summer at ayaw ko lalong umitim kaya mabibilang lang kapag lumalabas ako ng bahay. Kakain lang at kapag inuutusan ako. Pero hindi naman totally boring ang sched ko dahil aatend ako ng seminar sa White Beach for 10 days. Gusto ko ang mga seminar dahil marami na naman akong makikilala at experience din. Ako naman ang busy!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s