Belongingness…

Standard

Takte! Masyado na yata ako nagiging feeling close. Pero ang galling kasi ni Dwight! Sa tingin ko di ko kakayaning magsulat ng isang post na may 3000+ words. Hindi kaya ng vocabulary ko at paulit-ulit na lang ang sasabihin ko dun. Ano kaya ang pinanghuhugutan niya?

Nung nagpost siya sa mga taong di alam kung kailan gagamitin ang “ng at nang” ay nasapul ako. I wasn’t paying attention when we discussed it at kung naaalala ko pa dati ay limot ko ko na ngayon. Shit! Feeling ko tuloy KSP ako. Dahil pinipilit ko na magpapansin di lang sa kanya, sa kanila. Gusto ko kasi yung pakiramdam na kilala ka. Ito siguro ay dahil na rin sa tuwing magkakaroong ng mga District elections at Division na rin para sa mga organizations ay lagi akong nganga. Dahil pag wala kang magandang pambungad na speech o wala kang dating eh wala din.

Late na ako naging sabihin na nating active sa mga contests nung elementary dahil transferee ako. Pero during those times I wanted to be part of something, to belong. I guess inadmire ko lang yung mga tao dahil ang galling-galing nila na di man lang ako nagprepare para kung sakaling may pagkakataon ay makuha ko. Para lang may masabi sa kanila pah nakipagchat ako sa FB. “Ui nakita kita sa (insert event here) ah”. Ganyang-ganyan ako. O kaya naman ay icocongrats ko siya. My typical styles.

Gusto ko din kasing magkaroon ng mga kaibigan sa ibang school. Kahit sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng mga kaibigan ko sa school ay masaya pa rin akong kasama sila. Tight ka as in tight na tight. Laitin niyo at isa at makakatikim kayo sa iba. Maingay man kami at namumukod tangin maingay sa lahat ng first section masaya naman kami. Katulad na lang noong minsang nagkademo ang practice teacher namin. Hyper kami kahit madaming teacher ang nanood lalo na sa mga presentations. At nalaman na lang naming na tuwang-tuwa ang mga observers sa teaching demo ni Mam! E paano kasi all out performers ang mga kaklase ko nun.

Ang ibig sabihin ko dun sa mga kaibigan mula sa ibang school ay yung tipong mapagpatatanungan mo sa mga dates ng contests, kausap mo kapag may mga seminar yung ganun. Pero para sa isang mahiyain, takot sa pagsasalita sa harap ng maraming tao, ayaw mapressure kaya lagging gumagawa ng palusot at weird na katulad ay mukhang mahirap makilala.

Pero dahil sa isang pangyayari after ng DSPC in a way nagbago yun. Hindi ako naging kilala pero I feel good deep inside. Si Ate Shaira Faye Padilla Cabrera ang closest friend ko sa ibang school but what’s funny is we never formally met before (disregarded si Lizzy dun).

It started when she confessed na may gusto siya ka Mr. Jhon Carlo Manalo Fernando, which happen to be our SSG president and Editor-in-Chief. But there was an earlier story than that, a story of coincidences. Una, noong nasa DSPC group contests na lang ang lalaban, 2nd to the last day yata yun. Pinaghiwalay ang mga medium ng collaborative publishing. Kami nasa right sila sa left. Nasa tapos ang team naming ng IHMA kung saan nandun sila ate faye. Nagtawanan ang kapatid ko at si Chrisha (kaklase ko) dahil sa isang facebook post.

Chrisha: (post sa facebook sabay like)

Joshua: Ahahahahaha. Para kang si Bea at Faye(close friends ko). Post si Faye, comment si Bea, like nilang dalawa.

Ate Faye at Bea: Faye at Bea rin po ang pangalan namin.

All: Hahahahahahaha

After nun ikwenento samin ni Joshua yun. Bago pa magDSPC friends na kami ni Ate Faye sa FB. Nagrequest siya eh tapos inaccept ko naman. Pagkatapos ng DSPC nagchat kami. Marami akong nalaman, parehas na dancer si Ate Faye at Bea at Faye, parehas ng birthday si Ate Faye at ang kapatid ko at yun mga may gusto siya kay Jhon Carlo. Our conversations were long. Isang araw ay gabi pala naisipan kong iconference si Ate Faye kay Jhon Carlo ng hindi niya alam.

Ako: Ate Faye may surprise ako sayo.

(I asked about Jhon Carlo tapos discuss naman siya)

Kami:(tuloy parin sa pagkukentuhan)

JC: …………

Hanggang sa nagsalita si JC. Ayos na sana eh. Nagdadalawang isip kasi akong gawin yun dahil isenaggest ko nay un tapos sabi niya nakakahiya. Isip-isip ko ay baka magalit siya. Pero it went well eventually. Natapos ang conference call naming dahil nagrereview siya si Jhon Carlo para sa rush na contest sa Science.

Ate Faye: Nakilig ako!

Ako: Hahahahahaha

Ang saya daw niya nun. Tapos biglang BOOM! Nalaman niya na may GF na siya. Umiyak daw siya (madali yung umiyak). Hahahahaha. So much for that. Yung kanila naman ni Dwight, nakakakilig! Yung bonding at sweetness nila nung 3rd year. Pati na yung pagsusuot niya ng sapatos sa Ate Faye nung Prom. Epic! Kilikilig parin ako hanggang ngayon.

Nakaapak si Ate Faye para pantay sila ni Dwight

Nakaapak si Ate Faye para pantay sila ni Dwight. Photo credit: Dwight De Leon

During their Graduation month bihira na kaming nag-usap ay nagchat pala. Nasira kasi yung cellphone niya tapos busy. Network conflict, Globe at Smart. Nakakamiss din pala yun.

Kahit sa text at chat ay nagging mabuting mag-kaibigan kami. On that note I somehow feel accepted, that I belong.

Advertisements

4 responses »

  1. Hahahahaha! Natawa ako dito NANG sobra. At just so you know, sa akin galing ang page views ng blog mo noong nakaraang araw. Nag-backread po ako no! Gustong-gusto ko ‘yung post mo tungkol sa DSPC, ‘yung English ang medium. Galing mong magkwento; naiintindihan ko ang sinasabi mo. Ako kasi ‘pag nagpo-post sa blog ko, kalimitan, maging ako hindi ko na mahinuha kung may sense man lang ba ang sinasabi ko.

    Chat tayo pag-uwi ko sa Mindoro. Nakakaimbyerna ang internet connection dito sa Ormoc. At nga pala, hindi ako nakikipag-text sa cellphone. Matipid talaga ako sa load. 🙂

    And, na-flatter ako sa post mong ito. ‘Di ko akalain na mataas ang admiration mo sa skills ko. Pero maniwala ka, after I have read some of your posts here, napahanga mo rin ako. I do hope na magtagal ka rin sa WordPress at ‘wag ningas-kugon (mind you, it took me four different blogs bago naging consistent sa pag-po-post doon sa Modern-Day Kwaderno na mag-bi-birthday sa April 17). Magaling kang kwentista; ang gaan basahin noong mga kenkoy posts mo. 😀

    • Salamat Dwight! Kala ko di ka pa ulit nagbubukas ng wordpress kay basa lang ako ng basa ng mga post mo!

      Advance Happy Birthday sa blog mo! I enjoyed it very much. Siguro ang blog mo din ang naging inspiration ko sa paggawa ng blog ko na naisipan ko lang bigla matapos mapadpad ako dun. Gusto ko kasing magsanay sa pagsusulat para kahit papaano ay magkaplace sa mga contests. 🙂

      Akala ko di ka magrereply sa text ko dahil di naman ako nagtetext at globe ako.

      Amng babait niyong mga taga IHMA! Salamat sa pagbisita! Congrats sa NSPC!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s