“Ang Tungkulin ng Isang Mamamahayag sa Ikalalaganap ng Pilipino sa Buong Bansa”

Standard

Ikwenekwento ng Lolo namin dati na nakarating na siya sa NSPC. At akalain mo Champion pa! Oo, NSPC noong 1962. Sa katunayan February 12-16, 1962 sa Iligan City, Lanao del Norte. First Place sa Feature Writing( Filipino). Sabi niya sa Batangas pa daw siya pumapasok noon. May NSPC na pala noon? May mga patunay parin ang Lolo ko na nanalo siya. Buhay pa ang Cetificate of  Merit at yung medal. Astig!

Siya ang Patnugot ng Dahon ng Pilipino, Filipino section ng The Lathe ng Pablo Borbon Memorial School of Arts and Trades (iba na yata ang tawag dun, ewan). Ang mga picture pa noong mga panahong yun ay black and white ito ang nasa harap kong kopya ng The Lathe dating March 23, 1962.Handmade na handmade yung dating kasi yung cover mukhang pinasadya tapos typewriter pa yata ang ginamit sa paggawa nito. At may malalalim pang tagalog sa mga article.

Na-aastigan ako dahil buhay pa hanggang ngayon ang ganito at dahil na rin mababasa ko kung papaano magsulat ang mga tao dati. Nandito yung article ng Lolo ko dati.

(Sanaysay na nagwagi ng unang gantimpala sa Panayam na Pampahayagan ng mga Mataas na Paaralan)

Ang Wikang Pilipino ay  isa sa pinakamayamang wika hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi pati na sa buong daigdig.

Ang wikang ito, kung ihahambing sa ibang wika ay hindi ikahihiya dahilan sa kagandahang napapaloob dito. Ang mga dayuhan lalung-lalo na ang mga Amerikano ay napakalaki ng pagnanais na mapag-aralan ang ating wika. Ang iba sa kanila ay sadya pang pumupunta rito sa Pilipinas upang pagsadyain ang pag-aaral ng wikang ito.

Nakikipagsapalaran sila sa dahilang ipinagmamalaki nila sa ibang bansa na sila’y nakauunawa ng wikang Pilipino. Nguni’t bakit kaya naman ang marami sa ating mga Pilipino ay para bang ikinahihiya ang ating wika? Taas-noo pa nilang sinasabi sa kapwa Pilipino na wala silang  pagnanais sa wikang ito. Ito’y isang pagtataksil at maaaring tawaging isang karuwagan pagka’t itinatakwil nila ang hiyas at kayamanan ng ating bansa.

Iyan ang bagay na nakapagpapalungkot sa ikalalaganap ng ating sariling wika. Ang mga dayuhan ay nagsasadya rito sa atin upang pag-aralan ito, nguni’t tayo nama’y para bang walang pagkabahala upang ating mapalaganap ang ating wika.

Ang mga mamamahayag ay may malaking maitutulongsa ikalalaganap ng Pilipino sa buong kapuluan. Kailangan ang bawa’t bagay na nais nilang ipahayag ay mahayag sa ating sariling wika. Sa pagsasagawa ng bagay na ito ay magkaroon ng pagnanais ang iba nating mga kapwa Pilipino na mag-aral at magmahal sa ating wika.

(Source: The Lathe, Volume XII, No. 5, p. 15)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s