I <3 PH

Standard

Ang Pilipinas, ang pinakamamahal kong bansa. Ibibigay ko sa kanya ang aking mga kakayahan at talino para kahit papaano ay matamo niya ang kaunlaran. Masyado naman akong assuming kapag ganito. Hindi naman basta-basta magiging mayaman ang ating bansa kung ako lang ang gagawa nito. Pero totoo, sinabi ko dati sa sarili ko na wala akong balak pumunta sa ibang bansa para magtrabaho, masaya na ako sa maliit ngunit punung-puno ng potensiyal na bansang ito. Di hamak na mas magaling naman kami sa English kesa sa mga kapitbahay naming hapon, pero ayun naliligo sila sa pera habang kami nagaabang ng milagro. Hay, kailan kaya ito mangyayari? Sana malapit na…

Ayoko naman pumasok sa madugong larangan ng politika, gusto ko lang talagang mabayadan na ng pamahalaan ang mga utang ng bansa na sa tingin ko ay 500% interest na sa tagal ng payment processes. Alam kong mahirap kumita ng pera pero sana naman ay magkaroon ng magagandang trabaho sa bansa para wala ng mga taong pumunta sa ibang bansa. Naisip ko dati na bakit kaya hindi bayadan ng pamahalaan lahat ng utang natin ng isang bayadan tapos magsimula tayo sa wala? Pero parang imposible. Bakit nga ba tayo ganito, yung utang dati utang parin ngayon. Sheesh! Hindi ako nagmamagaling dahil alam kong napakahirap mamuno sa ating bansa pero gusto ko talagang magkaroon ng pagbabago. Yung tipong hindi na kailangang magpatayan para sa pagkain, wala ng mga pulubi, lahat may maayos na trabaho at lahat ng tao ay pantay-pantay.

Minsan may nakita akong matandang babae sa may sidewalk may hawak na parang baso at nanghihingi ng pera. Tinitigan ko siya habang nakasimangot at naisip ko na bakit niya kailangang gawin ang ganoon? Nasan ang pamilya niya? Dapat nasa bahay siya at nagpapahinga sa halip na nagtitiis sa mainit at maduming lugar na yun. Tinitingnan ko kung mayroong magbibigay sa kanya o tutulong man lang. Sa tuwing may dadaan she would held her hand and ask for spare change. Pero wala, parang siya invisible dahil no one even bothered to look at her. Everyone just walked pass her. Dapat walang taong nakakaranas ng ganoon. Ang daming pumapasok sa isipan ko noong mga panahong yun, iniisip ko na pag naging mayaman ako tutulungan ko lahat ng mga taong nangangailangan. It inspired me.

Marami ngang *um* sabihin na nating peklat ang Pilipinas pero sa kabila nito maraming bagay parin ang maganda dito.  Our tourism industry is booming! Isa ito sa mga paraan kung bakit nakakabawi tayo kahit papaano dahil sa mga turista. Dito sa amin lagi kang may makikitang turista. Swimming dito, swimming doon tapos kain dito, kain doon pati punta dito, punta doon at sa wakas alis na din. Party-party ang daming money! At dahil nga sa malakas na hatak ng turismo kaliwa’t kanan naman ang pagpapagawa ng mga resort. Isa pa yan eh, magpapagawa  ibig sabihin magpuputol ng puno pagkatapos kapag nalugi  nganga! Sayang eh!

English: Glossodoris atromarginata at The Drop...

English: Glossodoris atromarginata at The Drop Off divesite, Verde Island, Puerto Galera, The Philippines. (Photo credit: Wikipedia)

 

The Sabang Beach itself

The Sabang Beach itself. Thriving with life yet filthy.

Halimbawa ay ang diving capital of Puerto Galera, ang Baranggay Sabang (I think). Maganda daw ang mga diving spots dun, hitik sa foreigners pati na squatters pero ang dumi! Biruin mo, lahat ng dumi ng mga resort at restaurants dun ay sa dagat ang bagsak, literally. Di ko lang alam kung may nagbago matapos ang controversial Failon Ngayon episode tungkol sa Puerto Galera. The potential of that baranggay is in fact very big because of world class diving spots. Nakapanood na din ako ng video ng diving dun, ang ganda! Pero sana magkaroon ng maayos na sistema. It really defies the slogan “Malaparaisong Dalampasigan” sa halip ay Madumi at Mabahong Dalampasigan.

Isa pa sa tingin ko ay problema ng bansang ito ay ang patuloy na tumataas na bilang ng mga squatters. Bakit may mga taong kailangan makisquat sa lupa ng may lupa? Bakit may mga taong pumupunta sa siyudad ng walang tiyak na matutuluyan? Kahirapan siguro ang sagot diyan. Bunga sila ng kasumpa-sumpang salitang yan na siguro ay hindi na natin matatakasan. Totoong mahirap mawalan ng kahirapan sa isang third world country pero sana naman mabawasan ito kahit papaano. Sinabi ngayon sa mga balita na sumisigla na daw ang ating ekonomiya pero bakit hindi ko nafefeel? Wala na siguro akong interes sa pagsasaliksik sa estado n gating bansa pagdating sa kaunlaran. Magugulat lang ako sa laki ng ating utang gayundin sa bilang ng mahihirap na mga pamilya. Sinabi minsan sa amin ng AP teacher naming na noong panahon pa ni Marcos ay naging pinakamayaman ang Pilipinas sa Timog Silangang Asya. O ngayon anyare? Nasaan na yun? Bakit nawala?

Mahal ko nga ang Pilipinas at hindi ibig sabihin nito ay mahal ko ang mga buwaya, CROCS ba ga. Ang isa sa mga mabigat na dahilan ng patuloy na paghirap ng lupain ni Juan. Lokohan lang ang nangyayari eh. Wala akong patunay pero sa dinami-daming balita sa TV tungkol dito sa tingin niyo’y patuloy pa kaming papa-uto!? Baka gusto niyong magkaroon ulit ng People Power? Pero hindi naman lahat.

Sa lahat ng sinabi ko, gusto ko lang ng pagababago kahit papaano. Gusto kong mas tumaas ang tingin sa mga Pilipino.  Mabuhay tayong lahat! Bow.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s