Monthly Archives: April 2013

Hindi ko mapigilan!

Standard

Kakain na!“, sigaw na naman ng Lola. Hapunan na at nakakailang tawag na rin ang Lola. Dali-dali na kaming pumunta sa kanila. Madilim na din. Naglalagay na nang plato ang pinsan ko sa mesa. Manok ang ulam naming magkapatid habang ang pinsan ko ay isda (unfair ano?). Pero di naman siya nagreklamo. Nanonood ng balita ang mga Lola habang kumakain kami,

Lola: Nicole ubusin mo ang ulam.

Nicole: Tapos na po ko.

(Nasamid si Joshua at humagalpak ng tawa. Tumalsik ang mga mumo sa mesa.)

Joshua: Bwahahahahahahahahahahahahahahaha (napaluha na)

Nicole: (poker face)

Joshua: Di ko na kaya. Bwahahahahahahahahahaha

(maya-maya tumigil din at iba naman ang topic)

Ako: Mabait nga yung matanda kanina sa Eat Bulaga eh.

Joshua: Oo nga nagmura.

Ako: Ginugulat ni Jose.

Lola: (ngiti)

Joshua: (kwento)

(maya-maya……)

Nicole: Gurang na yun matanda? (seryoso)

Ako: Bwahahahahahahahahahahahahahaha (na-iyak na)

Joshua: Bwahahahahahahahahahahahahaha (na-iyak na rin)

Ako: Bwahahahahahahahahahahahahaha (di na makahinga)

Joshua: Bwahahahahahahahahahahahahahaha

 

(P.S. Di ko po tanda kung ganitong-ganito ang nangyari)

Advertisements

Gabi…

Standard

Gabi. Madilim sa labas. Nasa loob ako ng bahay. Nanonood ng TV habang nag-iinternet. Mainit. Bukas ang maliit na elctric fan. Nawawalan ako nang gana sa ginagawa ko. Tiningnan ko ang cellphone ko. Walang text.

Biglang nawalan ng kuryente. Nainis. Nagulat. Natakot. Binalot ng kadiliman ang paligid. Tanging ilaw ng scree ng laptop ang pinagmumulan ng liwanag sa silid.

Kinilabutan ako. Wala akong ibang kasama sa bahay. Nagbutil-butil ang pawis ko. Dali-dali kong tinanggal ang mga saksak ng mga appliances. Madilim, sobrang dilim. Maliit na cellphone ang gamit ko. Nangangapa. Nilock ko ang bahay. Di ko alam kung anong naghihitay sakin sa labas.

Hinanap ko ang tsinelas ko. Maliwanag. Bakit? Napatingala ako. Ang ganda ng langit. Maliwanag ang langit. Parang umagang gabi. Natigilan ako. Di ako natakot.

Night-Sky-night-sky-1280x800

Wala akong makitang pic na kaparehas.

Dahan-dahan akong naglakad. Ngayon lang ulit ako napatingin sa langit. Ang ganda ng buwan ngayon. Walang ulap. Maaliwalas. Nakakarelax.

Exciting!

Standard

Kakaiba ang pakiramdam ko kapag nanood ako ng TV. Lalo na kapag na babanggit  ang Pilipinas. Oo, sa mga documentaries, travel channels o kaya naifeafeature sa National Geographic. “Sa Pilipinas ‘to ah!”, ang nasasabi ko kapag naghahanap ako ng channel tapos na realize ko na Pilipinas ang main attraction. Kakaiba yung pakiramdam na nakikita ang bansa mo sa International Television! Kaya noong nakita ko sa patalastas sa TLC na ang mga programa ay tungkol sa Pilipinas ay todo ang pag-abang ko! Ang mga programa tungkol mostly sa pagkain. Sina Andrew Zimmern ng Bizarre Foods, Anthony Bourdain ng No Reservations, Bobby Chinn ng (hindi ko tanda), Janet Hsieh ng (ewan), at marami pang iba.

Andrew Zimmern

Andrew Zimmern

Anthony  Bourdain in Cebu

Anthony Bourdain in Cebu

Kaya tungkol yan sa pagkain dahil mahilig ako sa pagkain. Lagi kong inaabangan sila Jaime Oliver, Adam Richman, Nigella Lawson, Emeril Lagasse, Heston Blumenthal, Martha Stewart, Bobby Flay, Sharwin Tee at lahat ng mga host sa mga programang may pagkaing involved! Dati ng gusto kong maging Chef. Pero dala lang siguro yun nang hilig ko sa pagkain.

Pati yung episode ng Locked Up Abroad sa National Geographic Channel na nangyari sa Pilipinas ay sulyapan ko, sulyap lang. Kaya ko nalamang Pinas dahil doon sa isang eksena ay may jeep na tumatakas sa mga pulis. Kala ko pa nga di totoo tapos nakita kong may tagalog na nakasulat. *ay alam na* Napanood ko na din ang Asia’s Titanic na isang passenger ship na bumangga sa isang oil tanker. Umapoy yung dagat! Literally! Ang daming namatay na mga kababayan natin. Meron din yatang tungkol sa Mt. Pinatubo.

ngc-asiastitanic1

Kahit yung iba sa mga programa ay di gaanong kagandahan at least sa Pinas. Gusto ko sanang makapanood din ang mga kaibigan ko ng mga ganito para may kakwentuhan ako pero wala yata sa kanilang magkakainteres nanood ng mga ganun kaya sinasarili ko na lang 🙂  Nakakahanap ako nang kasiyahan kapag ganun. Feeling ko  bakit taga ibang bansa pa ang nakakapansin sa sariling atin, bakit hindi tayo mismo? Meron naman mga travel programs at documentaries na tayo mismo ang gumagawa pero parang naiitsapwera.

Sa mga programang ito marami akong nalalaman sa bansa nating iba’t-iba ang cultura sa bawat rehiyon. Gusto ko munang kilalanin nang mabuti si Mama Pinas bago yung ibang bansa.  Ang ganda kaya ng bansa natin! Ang daming isla at mga tagong paraiso. Proud akong Pinoy ako!

Wala akong maisulat!

Standard

Nagdadaydreaming na naman ako. Walang kwenta. Di kapanipaniwala. Nakakasura. Anong mangyayari sakin kapag ganito? Kinakain ako ng katamaran. Ang dami kong plano pero mukhang malabo na. Nauubusan na ako ng oras! Anong gagawin ko!?

tumblr_m9bjbzIzOQ1qax99wo1_1280

Tulong!

 

Experience is the Best Teacher

Standard

Magaling pa sina Pamela dati, pagod na pagod sila lagi

This is what my mother said one day. She was pertaining to me and my co-SSG officers. Pamela was an alumna of our school who happens to be the SSG President back in her days.

I ignored it and went on with my usual agenda during that time, which was pretending to be part of the student leaders of our school. I am not saying our administration was lousy but we are being compared to more successful ones. I guess our Ates and Kuyas were better than their successor despite the fact that we are doing our best.

I’m not that excited about this organization compared to my School Paper family because I feel that pressure is building in my chest. We were elected and we should be the “role models”. I think everyone is observing our every move with a look fit for a blood thirsty vampire. The pressure with an unpredictable crowd makes the job really difficult for me. Because of this my slight excitement totally died down.

My part was moving here and there in lines of students to stand and stare at them during flag ceremonies and flag retreats. That was what I’m doing all this time and sometimes shouting “wag kayong maingay!”. Pathetic isn’t it? It is a little awkward and every once in a while someone will call you names and mock you and stuff. I would do everything to not be in those same moments again. I’m sick of it and I never enjoyed it.

I am afraid of the big responsibility that I will have after the induction. Besides SSG meetings are often squeezed into our 20 minute lunch break, it’s a huge struggle for me. I don’t want lose weight you know. Hahahahahaha. I am not that confident with my capabilities. I am afraid that people may judge me because of my slightest flaw. I guess that’s why I got hooked to writing. No pressure and it accepted me for who I am.

That’s why I backed out on last year’s election for this year’s position. I felt free and happy. I never loved it anyway. Many would ask me why I did that and I would answer “wala lang”. They wouldn’t understand it anyway. Screw those Leadership Awards, it doesn’t matter if others will have more medals than me in the end at least I’m happy with my decision. I don’t want to have mental pressure.

It’s a scary world out there and I easily get scared. I think I’m not prepared for journey into the unknown. I’m weak and I know that. I’m not fit for big leadership jobs. I want to have change but I want to be involved in a way that I don’t have to be under pressure again. More of an adviser, project thinker thing and all that stuff.

I’ m defying what they were used to, that a SSG officer will be a SSG officer until the end. Once you’re a part of it there’s no turning back. That’s what I have notice in my co-officers. Some were officers since their freshman years. I want something new for a change.

ralphwaldoemerson101322

(Ang sama ng tittle pasensiya na, wala akong maisip.)

Gabi na naman at may nagdrama…

Standard

Malamig ang pagtanggap ng pinsan ko  sa amin. Matindi ako kanyang pagpapaypay sa sarili habang hindi inaalis ang titig sa TV. Baka may sumapi na naman. Gabi-gabi na lang eh. Inisip ko na lang na masakit ang kanyang tiyan o naubusan siya ng supply ng candy. Nanood kami ng TV, magsisimula na ang Apoy sa Dagat nang bigalng nagwalk-out ulit. Baka pagod. Pag kaalis tinanong ko ang Lola.

Ako: Anong nangyari doon? (pabulong)

Lola: Bakit daw kayo nakaelectric fan siya hindi.

Ako: Hahahahahahaha

Lola: At tsaka bakit daw hindi ko kayo sinasaway kapag kumakanta kayo nang malakas at siya ay sinasaway ko.

Ako: Hahahahahahaha. Ang babaw (sabay kulbit kay Joshua).

Nagpatuloy lang kami sa panonood. Naghalwat naman si Joshua ng mga flyers ng mga kandidato at binasa. Nagcommercial at sa isang kandidato.

Lola: Dumali naman aring lintik na are.

Ako: Hahahahahaha

Joshua: Lola, sinong magaling sa mga are?

Lola: Di ko naman kilala ang mga lintik na yan!

Isa pang Commercial….

Standard

chippy-barbecue

Namalengke ang mga Lola at ang pinsan ko dahil malapit na kaming maubusan ng pagkain. Pagkadating nila naghanap ako ng meryienda at kumain na rin. Nagkita ako ng dalawang maliliit na Chippy. Sabi ng Lola sa pinsan ko daw yun. Pinipilit kong ibigay sa akin yung isa pero ang sabi lang ay “di pa naman bukas“. Pinilit ko ulit noong hapon.

Ako: Chippy!

Siya: (smile)

Ako: Lola oh ayaw akong bigyan! (strategy)

Lola: Nicole bigay mo yung isa.

Siya: Mamaya na.

(umalis na ako)

Ako: Chippy! May icecandy pa nga pala dun, tatlo (habang paalis).

Siya: Dalhin mo mamaya kapalit noong Chippy.

 

(gabi na at dala ko yung mga icecandy)

Ako: Oh (habang inaabot yung icecandy). Nasan na yung Chippy?

Siya: Mamaya na.

Ako: Nasan na!? (habang naghahanap sa mga kabinet)

Siya: (smile)

Ako: Lola san tinatago?

Lola: Ayun nasa tabi niya, sa ilalim ng unan.

Ako: (evil laugh)

(naubos na yung icecandy at di ko pa binubuksan yung Chippy)

Joshua: Bubuksan na ito?

Ako: Ewan.

Joshua: Bahala ka.

(biglang nagwalkout si Nicole, dumiretso sa kwarto)

Sometime later….

Ako: Dali buksan mo na!

And the Best Actress is… Nicole! Chippy lang yun ha paano pa kaya kapag mas mahala pa. Baka magwalling naman sabay iyak. Hahahahahahaha. Kaninang umaga naman parang wala lang nangyari medyo tanghali lang siyang nagising.

 

Anong trip ‘to?

Standard

black-i-love-my-friends-by-wam-tops_designI love my friends. Hindi man halata pero mahal ko ang mga kaibigan ko. Kahit minsan may topak at sariling mundo ay ayos na yun atleast nandiyan naman sila palagi. I enjoy there company. They make me laugh and sometimes tick me off. But what the heck their my friends.

Ang mga kaklase ko na kaibagan ko rin ay nababalitaan kong naggeget together at naglalakwatsya. Hindi ako naiinggit dahil sa tamad ako at baka awkward lang. Palagi silang nagyaya papuntang White Beach. Ang layo naman at tsaka wala akong pera kaya nakikibalita na lang ako sa kanila.

(Gabi noon nang nagtext ang kaklase ko.)

Siya: Ui nasa White Beach kami.

Ako: Anong ginagawa niyo diyan?

Siya: Nag-iinom.

Ako: Sinong kasama mo?

Siya: Sina Bea (bestfriend ko).

Ako: Nainom si Bea?

Siya: Oo.

Ako: Madami?

Siya: Oo.

Nagpapanic na ako noong mga time na yun. Baka wala silang kasamang matanda. Baka mapano sila dun at tsaka gabing-gabi na! Ano kayang naisipan ng mga yun. Kung nandoon lang ako ng mga panahong yun papauwiin ko sila isa-isa. May kasama pa daw na taga ibang section! ALSDJASLSDKHFDJHFJSAJHD!

(Biglang may nagtext na kaklase ko na kasama dun at mabait ito  at ala kong di magsisinungaling. Dahil dun ininterrogate ko siya.)

Ako: Nasa White Beach kayo?

Siya: Oo

Ako: Sinong kasama mo?

Siya: (binanggit)

Ako: Na-iinom kayo?

Siya: Hindi.

Ako: Umuwi na kayo.

Ako: May kasama kayong matanda?

Siya: Oo, buong family.

Ako: Sige ingat kayo diyan.

(Medyo napanatag na ako)

Noong nagkikita kami sa school tinanong ko sila. Uminom nga daw sila  pero may kasama daw softdrinks. Pero may alak pa rin yun! Kahit ano pang sinabi nila. Paano kong may nangyari sa kanila? Ano ” blame it on the alcohol“? Nagkaroon kami nangg medyo mahabang usapan tungkol dun. What is happening to these people? For Christ’s sake ang babata niyo pa! Pag may masama nangyari sa inyo sasabihin ko lang na “told you so“. Binubungangaan ko man kayo ngayon pero yan ang sa tingin ko’y tama.